Teokratikong mga Balita
Cuba: Kamakailan lamang ay pinahintulutan ng pamahalaang Cubano ang kinatawan ng Samahan upang dumalaw sa Cuba bilang tagapangasiwa ng sona. Isang pulong ang idinaos kasama ng mga tagapangasiwa ng sirkito at distrito. Ang mga kapatid ay nakapagtitipon na ngayon sa mga grupo na umaabot hanggang 150. Pinahahalagahan nila ang pagtatamasa ngayon ng mas malaking kalayaan at na ang Tahanang Bethel ay maaari nang gamiting muli bilang sentro ng mga Saksi ni Jehova sa Cuba.