Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/96 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Abril

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Abril
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Subtitulo
  • Linggo ng Abril 1-7
  • Linggo ng Abril 8-14
  • Linggo ng Abril 15-21
  • Linggo ng Abril 22-28
  • Linggo ng Abril 29–Mayo 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 4/96 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Abril

Linggo ng Abril 1-7

Awit 132

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Banggitin ang anumang namumukod-tanging mga ulat sa inyong pagdiriwang ng Memoryal.

20 min: “Maging ‘Masigasig sa Maiinam na Gawa’ sa Abril!” Tanong-sagot na pagsaklaw sa mga parapo 1-10 ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ipaliwanag (1) kung ano ang lokal na plano sa pinalawak na paglilingkod sa larangan sa Abril, (2) papaano matutulungan ang lahat na makibahagi, at (3) papaano maisasama ang mga baguhan at mga kabataan.

15 min: “Hanapin Yaong mga Wastong Nakaayon.” Repasuhin ang mungkahing mga presentasyon at pagkatapos ay magkaroon ng dalawang demonstrasyon na nagpapakita kung papaano maaaring gamitin ang mga ito. Habang ipinahihintulot ng panahon, ilahad ang ilang mungkahi sa pag-aalok ng mga magasin, na masusumpungan sa Enero 1996 na Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 5.

Awit 20 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 8-14

Awit 72

15 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta; banggitin ang mga tugon sa donasyon mula sa Samahan. Talakayin ang mga praktikal na paraan upang matulungan ang mga baguhang dumalo sa Memoryal para gumawa ng higit na espirituwal na pagsulong. Repasuhin ang Abril 1, 1991, ng Bantayan, mga pahina 9-12.

15 min: “Mag-ukol ng Sagradong Paglilingkod Araw at Gabi.” Tanong-sagot. Basahin ang mga parapo 5 at 6.

15 min: “Maging ‘Masigasig sa Maiinam na Gawa’ sa Abril!” Tanong-sagot na pagsaklaw sa mga parapo 11-15. Pasiglahin ang lahat na suriin ang kanilang personal na mga kalagayan at hanapin ang paraan upang mapalaki ang kanilang pagtangkilik sa ministeryo sa larangan.

Awit 113 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 15-21

Awit 133

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa tagapakinig ang tungkol sa pantanging pahayag pangmadla sa Abril 21, na pinamagatang “Manatiling Walang-Kapintasan sa Gitna ng Isang Likong Salinlahi.” Magpasigla ukol sa pantanging pagsisikap na tulungan ang lahat na makadalo.

15 min: “Ang mga Panahon ay Nagbabago.” Tanong-sagot. Bigyang diin ang paghaharap ng mensahe ng Kaharian sa paraang makatutugon sa malaking pangangailangan ng mga tao. Imungkahi ang ilang pampamilya, emosyonal, at sosyal na mga isyu na nasa isipan ng maraming tao, gaya ng nasa Enero 1, 1994, ng Bantayan, mga pahina 22-3.

20 min: “Ang Pananampalataya ay Kasunod ng Bagay na Narinig.” Talakayin kung papaanong ang mga naisakamay na magasin ay magagamit upang linangin ang interes na maaaring umakay sa mga pag-aaral ng Bibliya sa aklat na Kaalaman. Magsaayos na itanghal ang dalawa o tatlong presentasyon.

Awit 204 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 22-28

Awit 6

15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang tampok na bahagi ng pantanging pahayag na ibinigay sa nakaraang dulong sanlinggo. Talakayin kung papaanong ang payong ito ay dapat na magpakilos sa mga interesado na manindigang matatag para sa tunay na pagsamba. Gayundin, itawag-pansin ang “Patuloy na Sumulong sa Tumpak na Kaalaman,” at idiin ang kahalagahan ng pagdalo sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat nang palagian.

12 min: “Tanong.” Isang pahayag ng matanda. Ipaliwanag kung bakit dapat iwasan ng mga kapatid na nangangasiwa sa mga pulong ang pagiging labis na pamilyar sa pamamagitan ng pagtawag sa mga indibiduwal, na ginagamit lamang ang kanilang unang mga pangalan.

18 min: Pag-uusap sa pagitan ng matanda at ministeryal na lingkod sa artikulong pinamagatang “Ang Maka-Diyos na mga Pamilya Noon—Isang Huwaran sa Ating Panahon,” na masusumpungan sa mga pahina 20-3 ng Setyembre 15, 1995, isyu ng Ang Bantayan. Gumawa ng praktikal na aplikasyon upang makinabang ang lokal na mga pamilya.

Awit 143 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 29–Mayo 5

Awit 144

12 min: Lokal na mga patalastas. Inilalarawan ng ilan ang mga Saksi ni Jehova bilang isang “sekta” o “kulto,” na nagliligaw sa iba tungkol sa ating mga gawain at mga tunguhin. Ginagamit ang aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 380 (p. 202 sa Ingles), ipaliwanag kung papaano pasisinungalingan ang paratang na ito.

15 min: Pantay-pantay na Pagkubre sa ating mga Teritoryo. Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ang kalat-kalat o malalayong lugar ay maaaring bihirang nagagawa. Ang ilan ay maaaring talagang umiiwas sa paggawa sa mga lugar ng mga taong mayayaman o masyadong relihiyoso. Ang mga teritoryo ng negosyo ay maaaring nakakaligtaan. Pasiglahin ang lahat na makipagtulungan taglay ang pagsisikap na makubrehan ang mga hindi nagagawang teritoryo. Ang mga buwan ng tag-araw ay kadalasang nagbibigay ng mabuting pagkakataon upang magawa ang malalayong lugar sa kabukiran. Tiyaking lubusang nagawa ang teritoryo bago ito ibalik. Magbigay ng iba pang praktikal na mga mungkahi kung papaano makatutulong ang lahat sa paggawa ng pinakamabuting pagkubre sa inyong teritoryo.

18 min: Ialok Ang Bantayan at Gumising! sa Mayo. Itampok ang indibiduwal na mga kopya o mga suskrisyon. Mag-ingat ng rekord ng lahat ng mga naisakamay na magasin, taglay ang tunguhing magtatag ng ruta ng magasin. Idiin ang mga kapakinabangan ng pamamahagi ng magasin bilang isa sa pinakamabisang paraan ng pagdadala ng mensahe ng Kaharian sa madla. Tiyaking mayroon tayong suplay kapag nagtutungo sa paglilingkod; ialok ang mga ito sa lahat ng pagkakataon. Ang personal na mga kaayusan para sa lingguhang Araw ng Magasin ay isang mabuting paraan upang mapasulong ang pagsasakamay. Ang gawain sa mga tindahan at pagpapatotoo sa lansangan ay mabunga rin naman. Subaybayan ang interes sa pamamagitan ng mga pagdalaw-muli na dinisenyo upang mapasimulan ang mga pag-aaral, na ginagamit ang aklat na Kaalaman. Itanghal ang isa o dalawang maikling presentasyon ng kasalukuyang mga isyu, marahil ay ginagamit ang mga masusumpungan sa Enero 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 3, mga parapo 3-5; basahin ang parapo 6.

Awit 195 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share