Pulong sa Paglilingkod sa Hunyo
Linggo ng Hunyo 2-8
8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Gawin Mo ang Iyong Sukdulang Makakaya.” Tanong-sagot.—Tingnan din ang Abril 15, 1993, Bantayan, pahina 28-30.
22 min: “Ang Kaalaman Mula sa Diyos ay Sumasagot sa Maraming Katanungan.” Tatalakayin ng tsirman ang artikulo kasama ng dalawa o tatlong mamamahayag, lakip na ang isang kabataan. Komentuhan ang parapo 1, na idiniriin kung bakit ang aklat na Kaalaman ay napakabisa sa pagtulong sa atin na masagot ang mga katanungan. Itanghal ang isang sesyon ng pagsasanay, at magbigay ng mungkahi sa pagpapasulong pagkatapos ng bawat presentasyon.
Awit 200 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 9-15
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
20 min: Pagpapatotoo sa Pamamagitan ng Mabuting Paggawi sa Paaralan. Ang isang matanda ay nakipag-usap sa dalawa o tatlong kabataan na magsisipasok sa panibagong taon sa paaralan sa buwang ito. Idiin ang pangangailangan upang maging isang mabuting halimbawa sa kanilang paggawi. Repasuhin sa grupo ang angkop na mga punto mula sa brosyur na Edukasyon, lalo na ang seksiyon hinggil sa “Mga Pamantayang Moral na Karapat-dapat sa Paggalang” sa mga pahina 19 hanggang 25. Akayin ang pantanging pansin sa kahon sa pahina 24 na pinamagatang “Ilang Simulain sa Moral na Sinusunod ng mga Saksi ni Jehova.” Habang ipinahihintulot ng panahon, maaari ring bumaling sa mga punto sa Agosto 15, 1987, Bantayan, pahina 10-20. Yamang maraming guro ang magbabasa ng brosyur at alam nila kung ano ang dapat igawi ng mga Saksi ni Jehova, ang mga kabataang Kristiyano ay magnanais na magbigay ng isang mabuting patotoo sa pamamagitan ng kanilang wastong paggawi.
15 min: Pagtuturo sa Iba—Isang Apurahang Pangangailangan. Pahayag ng isang matanda. Repasuhin ang 1996 na pambuong daigdig na ulat sa paglilingkod sa pahina 33 ng 1997 Yearbook. Ang puspusang pagsisikap na magpatotoo sa mga tao saanman sila masumpungan ay nagdudulot ng bunga. Ang apurahang pangangailangan ngayon ay ang turuan ang mga tao ng katotohanan. Kapag ating natatagpuan ang mga tao sa pampublikong mga lugar, mataktikang hilingin ang kanilang pangalan at direksiyon upang maisagawa ang isang pagdalaw-muli. Kailangan nating gawin ang higit pa kaysa basta pagtatanim ng binhi ng katotohanan; kailangan din nating diligin ito. (1 Cor. 3:6-8) Kapag ang binhi ay naitanim sa mainam na lupa, ang mabisang pagtuturo ay makatutulong sa tao na makuha ang diwa nito. (Mat. 13:23) Kailangan nating lubusan at may kadalubhasaang makibahagi hangga’t maaari sa gawaing pagtuturo. (Heb. 5:12a) Ilakip ang mga punto mula sa Hunyo 1996 ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 25-6. Idiin ang tunguhing pasimulan ang mga pag-aaral sa brosyur na Hinihiling o sa aklat na Kaalaman.
Awit 204 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Lokal na pangangailangan.
20 min: Pagkilala sa Inyong Relihiyon Kung Tunay o Huwad. Isang matanda ang nanguna sa isang pag-uusap kasama ang dalawa o tatlong may kakayahang mamamahayag salig sa Disyembre 22, 1989, Gumising!, pahina 18. Maraming tao na wari’y taimtim ang paulit-ulit na nadadalaw. Gayunpaman, sila’y hindi pa tumatanggap ng pag-aaral sa Bibliya. Talakayin kung paanong ang mga punto sa artikulo ng Gumising! na ito ay maaaring gamitin upang maipakita sa kanila ang pangangailangang kumilos kasuwato ng tumpak na kaalaman. Bumaling sa mga pangunahing punto sa aklat na Kaalaman, kabanata 5: “Kaninong Pagsamba ang Sinasang-ayunan ng Diyos?” Basahin ang parapo 20. Maaaring gawin ang mga pagdalaw-muli sa gayong mga indibiduwal upang mapasigla sila sa mabait at mataktikang paraan na tanggapin ang isang pag-aaral at dumalo sa mga pulong.
Awit 201 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 23-29
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Ano ang Sinasabi Nila Hinggil sa Atin? Isang pahayag salig sa impormasyong masusumpungan sa Watch Tower Publications Index 1986-1995, pahina 341-3. Pumili mula sa namumukod-tanging “Statements by Others” hinggil sa mga Saksi ni Jehova—sa ating paggawi at sa ating gawain. Ipakita kung paanong ang iba ay humahanga sa atin. Ipaliwanag kung bakit ito ay dapat magpakilos sa atin na palaging gumawi nang wasto. Ipakita kung paano magagamit ang gayong mabubuting komento kapag nakikipag-usap sa mga kakilala at mga taong interesado na nagnanais na makaalam pa ng higit tungkol sa atin.
20 min: “Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak na Mangaral.” Tanong-sagot. Ilakip ang tagubilin sa ating aklat na Ating Ministeryo, pahina 99-100, sa ilalim ng sub-titulong “Pagtulong sa mga Kabataan.”
Awit 211 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 30–Hulyo 6
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Mga Kabataan—Ano ang Inyong Espirituwal na mga Tunguhin?” Dalawang ama ang magkasamang tatalakay sa artikulo. Kanilang isasaalang-alang kung paano tutulungan ang kanilang mga anak na mapahalagahan kung bakit kailangang magtakda ng teokratikong mga tunguhin, na magdudulot ng espirituwal na mga pagpapala, sa halip na itaguyod ang materyalistikong mga interes.—Tingnan din ang aklat na Ating Ministeryo, pahina 116-18.
15 min: Paghahanda Para sa Alok na Literatura sa Hulyo. Piliin ang isa o dalawang brosyur na nagugustuhang mabuti sa lokal na teritoryo, at repasuhin ang ilan sa namumukod-tanging punto sa bawat isa. Magmungkahi ng ilang pamamaraan upang maisama ito sa isang presentasyon. Ipaalaala sa lahat na mag-ingat ng rekord ng mga naisakamay, at balikan at linangin ang interes.
Awit 109 at pansarang panalangin.