Pulong sa Paglilingkod sa Agosto
Linggo ng Agosto 4-10
7 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
13 min: “Ang mga Pulong ay Nag-uudyok sa Maiinam na Gawa.” Tanong-sagot. Ipakita ang mga kapakinabangan ng nakapagpapatibay na pag-uusap bago at pagkatapos ng mga pulong.—Tingnan ang Giya sa Paaralan, pahina 82, parapo 17-18.
25 min: “Manalig kay Jehova Upang Palaguin ang mga Bagay.” Pahayag at mga pagtatanghal. Idiin ang pangangailangang gumawa ng mga pagdalaw-muli kung saan naisakamay ang mga brosyur. Magkaroon ng dalawang inihandang mabuting pagtatanghal na nagpapakita kung paano pasisimulan ang mga pag-aaral.
Awit 78 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 11-17
5 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: “Ang mga May Edad ay Nangangaral Nang Walang Humpay.” Tanong-sagot. Ilakip ang karanasan hinggil sa isang may edad nang lola na nag-auxiliary pioneer, mula sa Hulyo 1, 1988, Bantayan, pahina 13.
25 min: “Konstruksiyon ng mga Kingdom Hall sa Pilipinas.” Tanong-sagot.
Awit 71 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 18-24
7 min: Lokal na mga patalastas.
18 min: “Kusang Paghahandog ng Ating Sarili.” Tanong-sagot.
20 min: Gumawa ng mga Pagdalaw-muli, na Ginagamit ang Brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Ipakita kung paanong magbabangon ng katanungan at babaling sa brosyur ukol sa kasagutan. Halimbawa, ang brosyur ay sumasagot sa sumusunod na mga katanungan: Mayroon bang pag-asa para sa patay? (Pahina 5-6) Masama bang magdalamhati? (Pahina 8-9) Paano haharapin ang pagdadalamhati? (Pahina 18) Paano makatutulong ang iba? (Pahina 20-3) Paano matutulungan ang mga bata na maunawaan ang kamatayan? (Pahina 25) Anong kaaliwan ang ibinibigay ng Bibliya? (Pahina 27) Pagkatapos, talakayin sa maikli kasama ng dalawang may kakayahang mamamahayag kung paano nila ginamit ang brosyur na ito sa mga pagdalaw-muli upang sagutin ang mga katanungang karaniwang itinatanong hinggil sa kamatayan. Itanghal kung paano gagamitin ang brosyur sa paggawa ng isang pagdalaw-muli.
Awit 94 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 25-31
7 min: Lokal na mga patalastas.
18 min: “Makinabang Nang Mabuti sa Paaralan.” Tinatalakay ng ama ang artikulo sa mga anak, lakip na ang mga punto sa Disyembre 22, 1995, Gumising!, pahina 7-11.
20 min: Mangaral Taglay ang Isang Layunin. Isang matanda at isa o dalawang ministeryal na lingkod ang nagrepaso sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 8-12. Ipako ang pansin sa makatuwirang mga dahilan kung bakit dapat tayong magtaglay ng isang positibo, pasulong na saloobin sa ating ministeryo at maingat na makipagtulungan sa tuwi-tuwina sa organisasyon.
Awit 100 at pansarang panalangin.