Mga Pulong sa Paglilingkod sa Disyembre
PANSININ: Isang Pulong sa Paglilingkod ang nakaiskedyul sa bawat linggo ng Disyembre at Enero. Ang mga kongregasyon ay maaaring gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan para makadalo sa kombensiyon at para sa isang 30-minutong repaso ng mga tampok na bahagi sa programa sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo. Ang pagrerepaso sa bawat araw ay dapat na iatas nang patiuna sa tatlong kuwalipikadong kapatid na lalaki na magtutuon ng pansin sa litaw na mga punto.
Linggo ng Disyembre 7-13
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Kailangan Tayong Dumalaw Nang Muli’t Muli.” Tanong-sagot.
20 min: “Pag-aalok ng New World Translation.” Isang kapatid na lalaki ang tumatalakay sa artikulo kasama ng dalawa o tatlong may-kakayahang mamamahayag. Ilakip ang ilang puntong may kaugnayan dito mula sa aklat na “Lahat ng Kasulatan,” pahina 327-31. Itanghal kung paano ihaharap ang alok sa Disyembre.
Awit 176 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Magbigay ng mga mungkahi kung paano mataktikang tutugunin ang mga pagbati sa kapistahan ng sanlibutan. Balangkasin ang pantanging mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa Disyembre 25 at Enero 1 kung walang nakaiskedyul na kombensiyon.
15 min: “Mga Nangungunang Tagapangasiwa—Ang Konduktor sa Pag-aaral ng Bantayan.” Isang pahayag ng Konduktor sa Pag-aaral ng Bantayan.
20 min: “Nakikita Nilang Tayo’y Kakaiba.” Tanong-sagot. Repasuhin sa maikli ang bawat katangian na nagiging dahilan kung bakit tayo kakaiba. Ipakita kung paanong ang impormasyong ito ay maaaring gamitin sa pag-akay sa mga interesado sa organisasyon.
Awit 146 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 21-27
8 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.”
12 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: “Isentro ang Inyong Buhay sa Paglilingkod kay Jehova.” Tanong-sagot. Kapanayamin ang isang taong walang asawa at ang isang ulo ng pamilya na naging matagumpay sa pagkakaroon ng isang di-nagbabago, regular na iskedyul sa ministeryo sa larangan bawat linggo. Hayaang sabihin nila kung anong personal na pag-oorganisa ang kailangan upang mauna ang mga kapakanang espirituwal.
Awit 119 at pansarang panalangin.
Linggo ng Dis. 28–Ene. 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Disyembre. Magbigay ng mga mungkahi para sa paghaharap ng aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba bilang alok sa Enero.
15 min: “Makinabang Mula sa Programa ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 1999.” Isang pahayag ng tagapangasiwa sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. Hayaang sabihin ng ilang mamamahayag ang mga kapakinabangang kanilang natamo sa pagsubaybay sa “Dagdag na Iskedyul ng Pagbasa sa Bibliya” bawat linggo. Pasiglahin ang lahat na magbasa ng Salita ng Diyos araw-araw.
20 min: “Tunay ba ang Diyos Para sa Iyo?” Pahayag ng isang matanda salig sa artikulo sa labas ng Bantayan ng Setyembre 15, 1998, pahina 21-3.
Awit 195 at pansarang panalangin.