Mga Pulong sa Paglilingkod sa Nobyembre
PANSININ: Yamang ang lahat ng kongregasyon sa Pilipinas ay magdaraos ng isang pantanging pagpupulong sa Nobyembre 8 upang ipaliwanag ang bagong kaayusan sa pamamahagi ng literatura at magasin, ang materyal sa ibaba para sa linggong iyon ay maaari na lamang basahin nang personal ng mga mamamahayag.
Linggo ng Nobyembre 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Ipinakikita ng Pangangaral ang Ating Kaibahan.” Tanong-sagot na pagtalakay. Ginagamit ang aklat na Kaalaman, pahina 173, parapo 8, ilahad sa maikli kung ano ang maaari nating sabihin upang mapasigla ang isang estudyante sa Bibliya na makibahagi sa ministeryo.
20 min: “Sino ang Maaaring Tumanggap ng Isang Pag-aaral sa Bibliya?” Pahayag at mga pagtatanghal. Kasuwato ng parapo 4, magmungkahi ng iba’t ibang paraan upang mapasigla ang interes na malaman ang nilalaman ng ating mga publikasyon. Ipakita ang dalawang maikling pagtatanghal kung paano magagawa ang gayon.
Awit 198 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 8
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Tanong.” Isang pahayag.
20 min: “Ano ang Sasabihin Ninyo sa Isang Muslim?” Tanong-sagot. Itampok ang pangangailangan ukol sa unawa kapag nakikipag-usap sa mga taong may ibang kultura. Itanghal ang isang inihandang mabuti na presentasyon. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Islam, tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 23-4; at Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, kabanata 12.
Awit 208 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 15
5 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
20 min: “1999-2000 ‘Makahulang Salita ng Diyos’ na mga Pandistritong Kombensiyon.” Tanong-sagot na pagtalakay sa parapo 1-14. Idiin ang kahalagahan ng pagsunod sa tagubilin ng Samahan na dalhin ang ating sariling tanghalian sa kombensiyon sa bawat araw.
20 min: Mga Magulang—Nagdaraos ba Kayo ng Isang Regular na Pampamilyang Pag-aaral? Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Ipaliwanag kung bakit kailangang mag-aral nang magkakasama ang mga pamilya. (Tingnan ang Giya sa Paaralan, pahina 37-8.) Talakayin ang sumusunod na mga hadlang sa pampamilyang pag-aaral: (1) pagkadama na napakabata pa ng mga anak para makinabang, (2) pag-iisip na sapat na ang pagdalo sa mga pulong ng kongregasyon, (3) pagkapagod dahil sa abalang iskedyul, at (4) pagkagambala dahil sa panonood ng telebisyon. (Tingnan ang Mayo 15, 1994, Bantayan, pahina 11-12.) Anyayahan ang mga ulo ng pamilya na ilahad kung paano nila napanagumpayan ang mga hadlang sa pagpapanatili ng isang mabuting rutin ng pampamilyang pag-aaral.
Awit 217 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 22
10 min: Lokal na mga patalastas at mga karanasan sa paglilingkod sa larangan. Gayundin, repasuhin ang artikulong “Masdan ang Kapangyarihan ng Bibliya!”
15 min: Ano ang Inyong Saloobin sa mga Atas? Pahayag ng isang matanda. Maraming mahahalagang gawain ang kinakailangan upang manatiling aktibo ang kongregasyon: paghahanda ng mga atas sa programa; pagsundo sa iba para sa mga pulong o pagsasama sa kanila sa paglilingkod; pagtulong sa mga may edad na; at paglilinis, pagkukumpuni, at pangangalaga sa Kingdom Hall. Paano kayo tumutugon kapag hinilingang tumulong? Ang ilan ay maaaring tumanggi, tumugon nang may pag-aatubili, o mabigong maisakatuparan iyon nang lubusan. Talakayin kung bakit isang masayang pribilehiyo ang tumanggap at tumupad ng mga atas. Pasiglahin ang lahat sa kongregasyon na magpamalas ng pagkukusa sa pagboboluntaryo.—Awit 110:3, talababa sa Ingles; Isa. 6:8.
20 min: “1999-2000 ‘Makahulang Salita ng Diyos’ na mga Pandistritong Kombensiyon.” Tanong-sagot na pagtalakay sa parapo 15-20. Gamitin ang mga kasulatan na sinipi at binanggit upang idiin kung bakit ang pananamit, pag-aayos, at paggawi ay mga bagay na nangangailangang pag-ukulan natin ng matamang pansin.
Awit 223 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 29
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Nobyembre.
15 min: Pasiglahin ang mga Baguhan na Dumalo sa mga Pulong. Pag-uusap sa pagitan ng isang matanda at isa o dalawang ministeryal na lingkod, salig sa brosyur na Paggawa ng Kalooban ng Diyos, pahina 14-15. Repasuhin kung bakit mahalaga na dumalo ang mga baguhan sa mga pulong. Repasuhin ang limang lingguhang pagpupulong, na ipinaliliwanag ang mga kapakinabangan ng bawat isa. Talakayin kung paanong ang mga pulong ay nagtataguyod ng makadiyos na paggawi, nagpapaunlad ng espirituwalidad, naglalapit sa atin sa organisasyon, tumutulong sa atin na magkaroon ng malapit na kaugnayan sa iba, at nakatutulong sa atin na maunawaan ang layunin ng ating ministeryo. Pasiglahin ang tagapakinig na gamitin ang brosyur upang pukawin ang mga baguhan na dumalo sa mga pulong.
20 min: Ang Gusto Natin—Ang New World Translation. Pahayag at mga pagtatanghal. Sa gitna ng mga relihiyosong organisasyon, kakaiba tayo dahil sa inilalathala, ginagamit, at ipinamamahagi natin ang isang salin ng Bibliya na ginawa ng pinahirang mga mananamba ni Jehova. Ang hangad natin ay hindi upang tumubo sa negosyo o magpalaganap ng makasektang mga paniniwala. Sa halip, tayo ay pinakilos ng hangaring parangalan ang pangalan ng Diyos at tulungan ang iba na higit siyang makilala. Ang ibang mga salin ay kadalasan nang mahirap unawain, kaya repasuhin ang natatanging mga bentaha ng New World Translation. (Tingnan ang aklat na “Lahat ng Kasulatan,” pahina 327-31. Pansinin ang mga komento sa parapo 3, banggitin ang ilang halimbawa ng mas mabuting salin sa parapo 6, at itampok ang mga kapakinabangan na tinalakay sa parapo 22-3.) Ipakita ang dalawang maikling pagtatanghal kung paano tayo maaaring tumugon kapag ang iba ay nagsabi ng, “May sarili kayong Bibliya.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 256-7 (p. 279-80 sa Ingles).
Awit 205 at pansarang panalangin.