Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Marso 13
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Tayo ay Nangangaral ng Mabuting Balita.” Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng isang tanong-sagot na pagtalakay. Magbigay ng mga halimbawa ng positibong maka-Kasulatang mga punto na maaaring makuha sa aklat na Kaalaman kapag iniaalok iyon sa ministeryo.
20 min: “Magagawa ba Natin ang Abril 2000 na Ating Pinakamabuting Buwan Kailanman?” (Parapo 1-11) Tanong-sagot. Banggitin ang pinaka-peak na bilang ng auxiliary pioneer sa pinakahuling ulat ng kongregasyon. Ipalahad sa ilan na kasama sa bilang na iyon ang personal na mga kapakinabangang kanilang natamo sa pagpapalaki ng kanilang bahagi sa ministeryo. Pasiglahin ang kongregasyon na gumawa tungo sa isang bagong peak ng mga auxiliary pioneer sa Abril. Repasuhin ang mga kuwalipikasyong binalangkas sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 113-14. Ang mga mamamahayag na nagnanais na mag-auxiliary pioneer ay maaaring kumuha ng aplikasyon pagkatapos ng pulong.
Awit 187 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 20
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: ‘Ano ang Magagawa Ko?’ Tatalakayin ng isang konduktor ng pag-aaral sa aklat ang artikulo kasama ng isa o dalawang ministeryal na lingkod. Dahilan sa iba’t ibang mga limitasyon, maaaring madama ng ilang mamamahayag na kakaunti ang kanilang naitutulong sa gawain ng kongregasyon. Repasuhin ang ilan sa maraming paraan na makagagawa tayong lahat ng mahalagang tulong sa ikalalakas ng kongregasyon at ikasusulong ng gawaing pang-Kaharian. Magtapos sa pamamagitan ng pagpapakita kung paanong ang bawat isa ay maaaring “Makibahagi sa Pangwakas na Ulat.”—Tingnan ang Ating Ministeryo, pahina 108-10.
20 min: “Magagawa ba Natin ang Abril 2000 na Ating Pinakamabuting Buwan Kailanman?” (Parapo 12-18) Tanong-sagot. Ilakip ang isang maikling demonstrasyon kung paano aanyayahan ang isang personal na kakilala sa Memoryal. Repasuhin ang “Teokratikong Kalendaryo Para sa Abril 2000,” at balangkasin ang mga pagtitipon bago maglingkod na lokal na isinaplano. Ipaalaala sa bawat isa na gumawa ng isang praktikal na iskedyul para makibahagi hangga’t maaari sa ministeryo sa kasalukuyang buwan, anupat ginagawang tunguhin ang 100 porsiyentong pakikibahagi ng kongregasyon. Pasiglahin ang lahat ng maaaring makapag-o-auxiliary pioneer at na kumuha ng isang aplikasyon pagkatapos ng pulong.
Awit 65 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 27
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Marso. Ipatalastas ang mga pangalan niyaong mag-o-auxiliary pioneer sa Abril. Ipaliwanag na hindi pa huli ang lahat upang magsumite ng aplikasyon. Balangkasin ang buong iskedyul ng mga pagtitipon bago maglingkod na isinaplano para sa buwang ito. Pasiglahin ang bawat isa na makibahagi sa ministeryo sa dulong sanlinggong ito, upang magkaroon ng mabuting panimula sa Abril. Ating iaalok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! sa kasalukuyang buwan. Itampok ang isang artikulo at angkop na puntong mapag-uusapan na maaaring mabisang gamitin sa mga presentasyon sa bawat bagong isyu. Ang bawat isa ay kailangang magtaglay ng kopya ng brosyur na Hinihiling at sikaping gamitin iyon upang makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa mga taong interesado.
13 min: “Humingi ng Tulong.” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig ng isang matanda. Ipaliwanag kung paano tayong lahat ay nangangailangan ng ilang uri ng tulong sa pana-panahon. Sabihin pa, ang bawat isa ay kailangang magdala ng kaniyang sariling pasan. (Gal. 6:5) Gayunman, kung hindi natin makayanan iyon, huwag tayong mag-aatubiling humingi ng tulong mula sa isang maygulang sa espirituwal na miyembro ng kongregasyon. Anyayahan ang tagapakinig na maglahad ng mga karanasan na nagpapakita kung paanong ang mabait na tulong na ibinibigay ng iba ay nagpatibay sa kanila.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
12 min: Repasuhin ang 2000 Yearbook. Pagtalakay sa tagapakinig at pagrerepaso ng mga tampok na bahagi ng “1999 Grand Totals,” sa pahina 31. Talakayin din ang “A Letter From the Governing Body,” sa pahina 3-5. Humiling ng mga komento mula sa ilan hinggil sa kung ano ang kanilang gagawin sa ibinigay na pampatibay-loob.
Awit 195 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 3
10 min: Lokal na mga patalastas at mga karanasan sa paglilingkod sa larangan. Gamitin ang piniling mga karanasan kamakailan mula sa lokal na teritoryo na makapagpapasigla sa iba na makibahagi.
17 min: “Pag-aaral sa Hula ni Daniel.” Tanong-sagot. Komentuhan sa maikli kung paano tayo makikinabang mula sa pag-aaral ng aklat ng Daniel sa Bibliya. (Tingnan ang kabanata 1, parapo 15-17, sa aklat ng Hula ni Daniel.) Pasiglahin ang lahat na dumalo nang palagian sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.
18 min: Dapat Ko Bang Isumbong ang Malubhang Pagkakasala? Isang seryosong pahayag ng isang matanda, patungkol sa mga kabataan. Nagkaroon ng maraming suliranin sa makabagong lipunan na may masamang epekto sa mga kabataan: humihinang mga pamantayan sa moral, paglago ng karahasan, pagkagumon sa droga, at kawalan ng paggalang sa awtoridad. Ang ilang tin-edyer ay may dobleng pamumuhay, na itinatago ang kanilang maling paggawi. Ito’y naghaharap ng tunay na panganib sa espirituwal na kapakanan ng buong kongregasyon. Ang ilan ay nakagawa ng malubhang pagkakasala at nais na ilihim iyon. Kung malaman mo na ang isang kapatid na lalaki o babae sa kongregasyon ay nakagawa ng malubhang paglabag sa kautusan ng Diyos, ano ang nararapat mong gawin? Isaalang-alang ang aplikasyon ng simulaing nasa Levitico 5:1. (Tingnan ang Bantayan ng Agosto 15, 1997, pahina 27-30) Bumaling sa aklat na Tanong ng mga Kabataan, pahina 68-9, at ipaliwanag kung ano ang dapat gawin ng isang tao sa gayong kaso.
Awit 68 at pansarang panalangin.