Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Abril 9
15 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipatalastas ang bilang ng dumalo sa Memoryal ng kongregasyon. Anyayahan ang tagapakinig na ilahad ang mga kapahayagan ng pagpapahalaga niyaong mga dumalo sa unang pagkakataon. Pasiglahin ang lahat na panoorin ang video na The Bible—Its Power in Your Life bilang paghahanda sa pagtalakay sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Abril 23.
10 min: “Tanong.” Pahayag ng isang matanda. Ilakip ang mga salik na isinasaalang-alang sa pagpili ng mga tahanang gagamitin bilang mga lokasyon ng pag-aaral sa aklat.—Tingnan ang Abril 1983 ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa Tanong.
20 min: “Maging ‘Lubhang Abala’ sa Iyong Ministeryo.”a Anyayahan ang dalawa o tatlong mamamahayag na ilahad ang mga karanasang tinamasa nila sa pagtulong sa iba gaya ng inirerekomenda sa parapo 3-5.
Awit 80 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 16
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Dalawang dulo ng sanlinggo na lamang ang natitira sa Abril, kaya pasiglahin ang lahat na makibahagi sa ministeryo bago matapos ang buwan.
15 min: “Luwalhatiin si Jehova sa Pamamagitan ng Maiinam na Gawa.”b Ilakip ang mga komento mula sa aklat na Tagapaghayag, pahina 187 parapo 2-3.
20 min: “Pinakamabuti ang Simple.”c Ilakip ang mga ideya mula sa artikulong “Sabihin Mo na Agad!” sa Hulyo 1999 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4. Itanghal sa maikli ang isa o dalawang simpleng pagtatanghal.
Awit 146 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 23
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Magplano Nang Patiuna—Para sa Ano?” Isang pahayag. Ilakip ang angkop na mga punto mula sa Nobyembre 1, 2000, Bantayan, pahina 18-21.
25 min: “Mga Impresyon sa Video na The Bible—Its Power in Your Life.” Pagtalakay sa tagapakinig. Bakit hindi ikapit ang ideyang binanggit sa karanasang inilahad sa 1997 Yearbook, pahina 54, parapo 1, tungkol sa mabuting paggamit ng mga video ng Samahan? (Pansinin: Sa mga kongregasyon na walang makukuhang ganitong video, ang pahayag na “Isang Kusang-loob na Handog Upang Pasulungin ang Dalisay na Pagsamba” ay maaaring ibigay, salig sa Nobyembre 1, 1999 ng Bantayan, pahina 30-31.) Sa Hunyo ay rerepasuhin natin ang video na Jehovah’s Witnesses Stand Firm Against Nazi Assault.
Awit 202 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 30
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Abril. Dapat makipag-ugnayan ang mga konduktor sa pag-aaral sa aklat sa bawat isa sa kanilang grupo upang matipon ang lahat ng mga ulat pagsapit ng Mayo 6.
15 min: “Magpatotoo Bilang Isang Mabuting Kapitbahay.”d Bumanggit ng karagdagang paraan na maaari tayong makapagpatotoo sa pamamagitan ng ating paggawi.—Tingnan ang Nobyembre 1, 1997, Bantayan, pahina 18, parapo 16.
20 min: Ang mga Payunir ay Tumutulong sa Iba. Pahayag at mga panayam na pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang programa ng Pagtulong ng mga Payunir sa Iba na binalangkas sa Setyembre 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4. Ilahad ang nakapagpapatibay na mga bagay na lokal na naisagawa. Kapanayamin ang isang payunir na nakatulong sa iba at ang isang mamamahayag na tinulungan. Ipakita kung paano nakinabang ang dalawa mula sa paggawang magkasama sa ministeryo. Anyayahan ang iba na samantalahin ang paglalaang ito sa darating na mga buwan.
Awit 216 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 7
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Sa Diyos ay Posible ang Lahat ng mga Bagay.”e Komentuhan sa maikli kung ano ang sinabi sa aklat na Tagapaghayag, pahina 443, na ipinakikita ang lawak ng pangangaral na ginawa noong 1935 kung ihahambing sa ulat sa kasalukuyang Yearbook. Ipakita kung paanong ang napakalaking pagsulong na ito ay tila imposible noon.
10 min: “Ang Iba ay Umaasa sa Iyo.” Nakapagpapasigla at positibong pahayag ng isang matanda.
15 min: Paano Maipamamalas ng Ating Pamilya ang Kabanalan? Tatalakayin ng matanda at ng kaniyang pamilya ang Agosto 1, 1996, Bantayan, pahina 17-20. Repasuhin ang mga paraan sa pagpapakita ng kabanalan sa tahanan, sa mga kamag-anak, sa kongregasyon at kapitbahay, at sa paaralan at trabaho.
Awit 70 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-at-sagot na pagtalakay.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-at-sagot na pagtalakay.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-at-sagot na pagtalakay.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-at-sagot na pagtalakay.
e Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-at-sagot na pagtalakay.