Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/01 p. 1
  • Magplano Nang Patiuna—Para sa Ano?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magplano Nang Patiuna—Para sa Ano?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Mo Sinusukat ang Tagumpay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Gawin Nawa Niyang Matagumpay ang Lahat ng Iyong Plano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • Itayo ang Kinabukasan Mo Kasama ng Organisasyon ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Magplano Nang Patiuna!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 4/01 p. 1

Magplano Nang Patiuna​—Para sa Ano?

1 Pinag-iisipan nating lahat ang ating mga plano para sa hinaharap. Yaong mga may makalupang pag-asa ay umaasang mabubuhay magpakailanman sa matuwid na bagong sanlibutan ng Diyos. Ngunit may mga impluwensiya na maaaring umagaw sa pag-asang iyon mula sa puso ng isa. Kailangan ang marubdob na pagsisikap upang mapanatiling nakasentro ang ating buhay sa mga kapakanang pang-Kaharian at hindi mailihis ng nakatutuksong mga pagnanasa ng laman.​—1 Juan 2:15-17.

2 Hindi mauunawaan ng sanlibutan ang mga tunguhin ng espirituwal na mga tao. (1 Cor. 2:14) Habang ang iba sa sangkatauhan ay nagpupunyaging makamit ang katanyagan, kapangyarihan, o kayamanan, tayo naman ay nagsisikap ukol sa espirituwal na mga kayamanan. (Mat. 6:19-21) Kung babaguhin natin ang ating kaisipan upang umayon sa makasanlibutang pangmalas tungkol sa hinaharap, maaabot pa kaya natin ang ating espirituwal na mga tunguhin? Ang ating puso ay magiging okupado ng makasanlibutang mga bagay. Paano natin ito maiiwasan?

3 “Ibihis Ninyo ang Panginoong Jesu-Kristo”: Ang isang paraan upang matiyak kung nakasentro ang ating kinabukasan sa mga kapakanang pang-Kaharian ay ang pagsuri sa ating pakikipag-usap. Ang lagi ba nating ipinakikipag-usap ay tungkol sa materyal na mga bagay at makasanlibutang mga kapakanan? Kung gayon, dapat nating pag-isipan kung nawawala na sa ating puso ang pansin nito sa espirituwal na mga simulain. Marahil ay kakailanganin nating magbigay ng higit na pagdiriin sa ‘pagbibihis sa Panginoong Jesu-Kristo sa halip na magplano nang patiuna para sa mga pagnanasa ng laman.’​—Roma 13:14.

4 ‘Maibibihis [ng mga kabataan] si Kristo’ sa pamamagitan ng pagpaplano nang patiuna para sa araw na papasukin na nila ang buong-panahong ministeryo. Isang kabataan na gustong mag-regular payunir ang lumaki sa isang kultura kung saan ang karaniwang kaugalian para sa mga kabinataan ay maging matatag sa pinansiyal. Dahil dito, naging subsob siya sa pagnenegosyo anupat naging mekanikal na lamang ang kaniyang pagdalo sa mga pulong at pakikibahagi sa ministeryo. Nang magsimula siyang magtiwala sa mga salita ni Jesus na masusumpungan sa Mateo 6:33 at iwan niya ang nakapapagod at paulit-ulit na rutin na kinasangkutan niya, pinasok niya ang karera ng buong-panahong paglilingkuran. Ngayon, taglay ang isang mabuting budhi, siya ay naglilingkod kay Jehova, na gaya ng sabi niya, ‘ayon sa kaniyang buong makakaya.’

5 Sinasabi ng Bibliya na isang katalinuhan na magplano para sa hinaharap. (Kaw. 21:5) Nawa’y gawin nating lahat ang gayon na pangunahing isinasaisip ang kalooban ng Diyos.​—Efe. 5:15-17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share