Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Hunyo 10
15 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na panoorin ang video na Our Whole Association of Brothers bilang paghahanda sa pakikipagtalakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Hunyo 24. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, isa-isang itanghal kung paano ihaharap ang Hunyo 15 ng Bantayan at ang Hunyo 22 ng Gumising!
10 min: “Tanong.” Basahin ang buong artikulo at ang binanggit na mga kasulatan. Pagkatapos ay magbigay ng karagdagang komento, anupat pinalalawak ang iba pang mga punto sa “Tanong” sa Marso 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 7.
20 min: “Ang Paghahasik Nang Sagana ay Nagdudulot ng Mayayamang Pagpapala.”a Ilakip ang mga komento salig sa Disyembre 1, 1992, Bantayan, pahina 15-16, parapo 14-17.
Awit 220 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 17
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Maging Kontento sa Iyong Tinataglay.”b Idiin ang maka-Kasulatang saligan para sa payo, na binabasa at tinatalakay ang marami sa binanggit na mga teksto hangga’t ipinahihintulot ng panahon.
Awit 197 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 24
8 min: Lokal na mga patalastas. Itatanghal ng isang mag-asawa na gumagawang magkasama sa paglilingkod kung paano gagamitin ang mga mungkahi sa pahina 4 sa pag-aalok ng Hulyo 1 at Hulyo 8 na mga magasin. Itatampok ng asawang babae Ang Bantayan, at itatampok ng asawang lalaki ang Gumising!
12 min: Ilahad o isadula ang mga karanasan ng lokal na mga mamamahayag na (1) nagpapatotoo sa iba’t ibang etnikong grupo o sa mga tao na nagsasalita ng ibang wika o (2) nagpapatotoo sa ibang mga tagpo maliban sa gawaing pagbabahay-bahay at sa lansangan. Bilang paghahanda sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo, pasiglahin ang lahat na pumili at maghanda ng isang presentasyon na gagamitin sa isa sa mga brosyur na iaalok sa Hulyo at Agosto.
25 min: “Kung Bakit Iniibig Natin ang Ating Buong Samahan ng mga Kapatid.” Gawin agad ang pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig hinggil sa video na Whole Association, na ginagamit ang mga tanong na inilaan. (Pansinin: Sa mga kongregasyon na kung saan walang sinuman ang may pagkakataong makakuha ng video na ito, maaaring ibigay ang pahayag na “Pagsisinungaling—Ito ba’y Nabigyang-Matuwid Kailanman?,” salig sa Pebrero 8, 2000 ng Gumising!, pahina 20-1.)
Awit 95 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 1
15 min: Lokal na mga patalastas. Tanungin ang mga mamamahayag kung anong brosyur ang binabalak nilang ialok sa Hulyo at kung anong presentasyon ang gagamitin nila.
15 min: Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Banggitin ang mga katangian ng brosyur na ito na nagpapangyari rito na maging isang mabisang kasangkapan upang matulungan ang mga bata at ang iba pa na walang gaanong pinag-aralan na matuto tungkol kay Jehova. Talakayin ang mga halimbawa ng simple at lohikal na mga paliwanag nito. (Tingnan ang aralin 2, 8, at 12.) Ipakita kung paanong ang mga larawan ay magagamit upang maabot ang puso ng estudyante. Dapat gamitin ito ng mga magulang sa pagtuturo sa kanilang musmos na mga anak. Pasiglahin ang lahat na ialok ito sa ministeryo sa Hulyo.
15 min: “ ‘Ibig’ Mo Bang Tulungan ang Iba?”c Pasiglahin ang bawat isa sa kongregasyon na magtaglay ng matulunging espiritu.
Awit 156 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.