Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Agosto 12
13 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Agosto 15 ng Bantayan at ang Agosto 22 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ipakita ang naiibang paraan ng pagharap sa pagtutol na “Bakit ba napakadalas ninyong dumalaw?”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 20.
20 min: “Magtakda ng Espirituwal na mga Tunguhin.”a Kapag tinatalakay ang parapo 5, ilakip ang nakapagpapasiglang mga komento hinggil sa pagreregular payunir at pagmimisyonero at paglilingkod sa Bethel mula sa aklat na Ating Ministeryo, sa pahina 114-16.
12 min: Lokal na mga karanasan. Anyayahan ang kongregasyon na maglahad ng kanilang mga karanasan na ginagamit ang tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? May napasimulan na bang mga pag-aaral sa Bibliya? Kung gayon, ipaliwanag o isadula ang isa o dalawang karanasan. Repasuhin ang kahong “Mga Pagkakataon Upang Ipamahagi ang Tract” sa Disyembre 2001 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4.
Awit 123 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 19
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Bakit Sila Nag-aatubili? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig at pagtatanghal. Sa ating ministeryo, karaniwan nang nakakaharap natin ang mga taong atubiling makipag-usap hinggil sa kanilang paniniwala. Kung malalaman natin kung bakit nag-aatubili ang isa, makatutulong ito sa atin na makapaghanda ng isang presentasyon na magpapasigla sa indibiduwal na ipahayag ang kaniyang mga opinyon. Talakayin kung paano natin maibabagay ang ating presentasyon kapag nakaharap natin ang sumusunod na mga uri ng tao: (1) Yaong walang interes sa relihiyon, maging sa sarili nilang relihiyon. (2) Yaong may emosyonal na kaugnayan sa mga relihiyosong kaugalian na isinasagawa ng kanilang pamilya. (3) Yaong di-komportableng makipag-usap tungkol sa kanilang mga paniniwala dahil kakaunti lamang ang kanilang maka-Kasulatang patotoo para sa mga ito. (4) Yaong nagtatangi laban sa atin dahil sa mapanlinlang na mga komento ng mga mananalansang. Ilakip ang isang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung paano aakayin ang interes ng isang tao upang makipag-usap hinggil sa Kasulatan.
20 min: “Magpamalas ng Kristiyanong Pagkamatapat Kapag Natiwalag ang Isang Kamag-anak.”b (Parapo 1-8) Pangangasiwaan ng isang lubos na kuwalipikadong matanda, na ginagamit ang mga inilaang tanong. Ipabasa nang malakas ang bawat parapo sa isang kapatid na lalaki na may-kakayahang bumasa.
Awit 136 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 26
10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, ipatanghal sa isang payunir kung paano ihaharap ang Setyembre 1 ng Bantayan at ipatanghal sa isa namang mamamahayag ng kongregasyon kung paano ihaharap ang Setyembre 8 ng Gumising! Pasiglahin ang lahat ng mamamahayag na bumasa ng isang kasulatan sa kanilang presentasyon.
17 min: “Maging Mahusay sa Pakikipag-usap!”c Sa konklusyon, pasiglahin ang mga mamamahayag na repasuhin ang kabanatang “Kung Paano Mapasusulong ang Kakayahang Makipag-usap” sa aklat na Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, pahina 62-5.
18 min: “Magpamalas ng Kristiyanong Pagkamatapat Kapag Natiwalag ang Isang Kamag-anak.”d (Parapo 9-14) Pangangasiwaan ng isang lubos na kuwalipikadong matanda, na ginagamit ang mga inilaang tanong. Ipabasa nang malakas ang bawat parapo sa isang kapatid na lalaki na may-kakayahang bumasa.
Awit 125 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 2
10 min: Lokal na mga patalastas. Itampok sa maikli ang artikulong “Magbasa na Kasama ng Iyong mga Anak” sa Mayo 1, 1999, Bantayan, pahina 25.
20 min: Maghanda Ka Muna Bago Lumabas sa Larangan. Pakikipagtalakayan at pagtatanghal. Ang mabuting pagpaplano ay nakatutulong sa pagiging mabisa natin sa ating ministeryo. Kaya patiunang: (1) Kumuha ng mga literaturang kakailanganin mo. (2) Tiyaking may sapat na house-to-house record at isang panulat o lapis. (3) Kung kailangan mo ng transportasyon, gumawa ng angkop na kaayusan para rito. (4) Isipin ang mga pagdalaw-muli na plano mong gawin. (5) Ihanda ang sasabihin mo. Kung ikaw ang mangunguna sa pulong para sa paglilingkod sa larangan, kumuha ng sapat na teritoryo. Talakayin sa mga tagapakinig ang dalawa o tatlong paraan kung paano maiaalok sa ministeryo sa Setyembre ang aklat na Creation. Itanghal ang isa sa mga presentasyon, at ilakip ang isang kasulatan sa pag-uusap.—Tingnan ang mga mungkahi sa Ating Ministeryo sa Kaharian, Setyembre 1996, pahina 8, at Hunyo 1995, pahina 4.
15 min: “Pagpapahalaga sa mga Paglalaan ni Jehova.”e Pasiglahin ang lahat sa kongregasyon na regular na magbigay ng mga kontribusyon sa pandaigdig na gawain.
Awit 99 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.