Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/02 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 9
  • Linggo ng Disyembre 16
  • Linggo ng Disyembre 23
  • Linggo ng Disyembre 30
  • Linggo ng Enero 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 12/02 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Disyembre 9

Awit 193

12 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng pagtatanghal kung paano ihaharap ang Disyembre 15 ng Bantayan at ang Disyembre 22 ng Gumising!

15 min: “Ihayag ang Mensahe ng Kaharian.”a Kapag tinatalakay ang parapo 3, ilakip ang mga mungkahi kung paano tuwirang babasahin ang Bibliya kapag ibinabahagi ang mabuting balita.​—km 12/01 p. 1 par. 3.

18 min: Maging Mabunga sa Bawat Mabuting Gawa. Pahayag na may pakikibahagi ang mga tagapakinig. Gagampanan ng isang matanda. Repasuhin ang kasaysayan at pagsulong ng lokal na kongregasyon, lakip na ang mga pagsisikap na umakay sa pagtatatag ng kongregasyon. Isaayos nang patiuna na makapaglahad ng nakapagpapatibay na mga karanasan ang ilang kabilang sa kongregasyon noong panahong iyon. Isaalang-alang ang mga posibilidad ng karagdagang pagsulong, at patibayin ang lahat na buong sigasig na suportahan ang mga gawain sa kongregasyon.

Awit 119 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 16

Awit 29

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

10 min: Yaong May Kaunawaan ay Makauunawa. (Dan. 12:​3, 10) Isang pagtatanghal. Magtatanong ang interesadong tao: “Paano ako makatitiyak na taglay ninyo ang tamang unawa hinggil sa itinuturo ng Bibliya?” Ipaliliwanag ng mamamahayag kung paano gagamitin ang pamamaraang ayon sa paksa (topical method) kapag nagsasaliksik sa Bibliya. (w96 5/15 p. 19-20) Ginagamit ang isa o dalawang halimbawa mula sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 227-32 (p. 112-17 sa Ingles), ipakikita niya kung paano natin naunawaan ang layunin ng Diyos para sa lupa sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri sa mga teksto sa Kasulatan. Ipaliliwanag ng mamamahayag kung paano magagamit ang gayunding pamamaraan sa wastong pag-unawa sa ibang mga turo sa Bibliya at pagkatapos ay mag-aalok siya ng isang pag-aaral sa Bibliya.

25 min: “Mga Ulo ng Pamilya​—Panatilihin ang Isang Mahusay na Espirituwal na Rutin.” Pagkatapos ng maikling introduksiyon salig sa parapo 1-2, pangasiwaan ang pakikipagtalakayan sa tagapakinig sa parapo 4-13. Kung ipinahihintulot ng panahon, basahin ang parapo 7, 8, 11, at 12. Ilakip ang panayam sa isa o dalawang magulang. Ano ang nakatulong sa kanilang pamilya na magkaroon ng mahusay na rutin ng espirituwal na mga gawain? Anong mga pagsisikap ang kasangkot dito? Paano sila nakinabang? Magtapos sa pamamagitan ng maikling komento sa parapo 14.

Awit 154 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 23

Awit 148

10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Enero 1 ng Bantayan at ang Enero 8 ng Gumising! Pasiglahin ang lahat na panoorin ang video na No Blood​—Medicine Meets the Challenge bilang paghahanda sa pakikipagtalakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Enero 6.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Nakatutulong Ka ba sa Pagkakaroon ng Tumpak na Ulat?”b Kapag tinatalakay ang parapo 2, ilakip ang mga komento sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 106-8.

Awit 165 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 30

Awit 152

10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang alok na literatura para sa Enero, na itinatampok ang mga aklat na nasa stock ng kongregasyon.

15 min: “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Isang pahayag. Himukin ang lahat na dumalo sa susunod na pansirkitong asamblea at makinig na mabuti sa programa.

20 min: “Mga Kabataang Umiibig sa Katotohanan.” Isang pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig salig sa artikulo ng Ang Bantayan ng Oktubre 1, 2002, pahina 9-11. Ikapit ang mga karanasan sa mga kalagayan ng mga kabataan sa inyong kongregasyon.

Awit 147 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 6

Awit 67

5 min: Lokal na mga patalastas.

23 min: Tulong sa Pagsunod sa Kautusan ng Diyos Hinggil sa Dugo. Pahayag ng isang kuwalipikadong matanda, salig sa balangkas na ipinadala ng tanggapang pansangay kalakip ng statement ng kuwenta para sa Oktubre. Ang kalihim ay dapat na may sapat na bilang ng Advance Medical Directive/Release card at Identity Card. Ang mga dokumentong ito ay makukuha ng bautisadong mga mamamahayag pagkatapos ng pulong ngayong gabi, ngunit HINDI dapat punan ang mga ito ngayong gabi. Ang paglagda, pagsaksi, at paglalagay ng petsa sa mga card ay maaaring gawin sa susunod na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, at kasabay nito ay maaaring tumulong ang tagapangasiwa sa pag-aaral ng aklat kung kinakailangan. Dapat aktuwal na makita ng mga pipirma bilang mga saksi ang paglagda ng indibiduwal sa dokumento. Ang di-bautisadong mga mamamahayag ay maaaring sumulat ng sarili nilang direktiba para sa kanilang sarili at sa mga anak nila sa pamamagitan ng pagtulad sa mga pananalitang nasa mga dokumentong ito ayon sa kanilang sariling mga kalagayan at paninindigan.

17 min: “Dapat Mong Panoorin ang Video na No Blood​—Medicine Meets the Challenge.” Gagampanan ng isang kuwalipikadong matanda. Simulan agad ang pakikipagtalakayan sa tagapakinig hinggil sa video na No Blood, na ginagamit ang mga tanong na inilaan sa kahon sa pahina 7. Pagkatapos, basahin ang huling parapo sa kahon. (Pansinin: Sa mga kongregasyon na wala ng video na ito, maaaring ibigay ang pahayag na “Dekorasyon sa Katawan​—Ang Pangangailangan ng Pagkamakatuwiran,” salig sa Agosto 8, 2000 ng Gumising!, pahina 18-19.)

Awit 79 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share