Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Pebrero 10
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Himukin ang lahat na panoorin ang video na Faithful Under Trials—Jehovah’s Witnesses in the Soviet Union bilang paghahanda sa pakikipagtalakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Pebrero 24. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Pebrero 15 ng Bantayan at ang Pebrero 22 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ang dalawang magasin ay magkasamang iaalok, bagaman isa lamang ang itinatampok.
35 min: “Mangaral at Lubusang Magpatotoo.”a Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Pasiglahin ang lahat ng maaaring mag-auxiliary pioneer sa Marso, Abril, at Mayo. Anyayahang magkomento ang mga nagpayunir noong nakaraang panahon ng Memoryal. Ano ang ginawa nila upang makapagpayunir? Anong pagsisikap at mga pagbabago ang kinailangan nilang gawin? Anong mga kagalakan at mga pagpapala ang naranasan nila? Repasuhin ang sampol na mga iskedyul sa kahon sa pahina 4. Ipatalastas na ang mga aplikasyon para sa pagiging auxiliary pioneer ay makukuha pagkatapos ng pulong.
Awit 30 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 17
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Repasuhin ang alok na literatura para sa Marso. Bumanggit ng isa o dalawang mungkahi sa paghaharap ng aklat na Kaalaman, na ginagamit ang mga punto sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2002. Idiin ang tunguhin na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.
35 min: “Pakikinabang Nang Lubusan Mula sa ‘Masisigasig na Tagapaghayag ng Kaharian’ na Pandistritong Kombensiyon.” Gagampanan ng konduktor sa Pag-aaral sa Bantayan. Pagkatapos ng isang minutong introduksiyon, idaos ang pakikipagtalakayan sa tagapakinig hinggil sa programa ng pandistritong kombensiyon, na ginagamit ang mga tanong na nasa artikulo. Maingat na hati-hatiin ang iyong oras. Maaaring ilakip ang maiikling komento upang ipaalaala ang susing mga punto. Kung angkop, tanungin ang tagapakinig kung paano nila ikinakapit ang kanilang mga natutuhan at kung ano ang mga kapakinabangang natatamo nila sa pagkakapit ng mga ito.
Awit 57 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 24
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat sa paglilingkod para sa Pebrero. Sa paggamit sa mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Marso 1 ng Bantayan at ang Marso 8 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, ang dalawang magasin ay magkasamang iaalok, bagaman isa lamang ang itinatampok.
10 min: “Tulong sa Tamang Panahon.” Pahayag ng isang matanda. Idiin na ang pantanging pagsisikap na ginagawa upang tulungan ang mga di-aktibo ay nagpapakita ng maibiging pagmamalasakit ni Jehova para sa kaniyang bayan.
25 min: “Isang Video na Magbibigay sa Iyo ng Higit na Kaunawaan at Inspirasyon!” Simulan kaagad ang pakikipagtalakayan sa tagapakinig tungkol sa video na Faithful Under Trials, na ginagamit ang mga tanong na inilaan. Maingat na hati-hatiin ang oras upang magkaroon ng sapat na panahon para sa ilang komento sa huling tanong. Magtapos sa pamamagitan ng pagbasa sa kahon na nasa pahina 192 ng 2002 Taunang Aklat. (Pansinin: Sa mga kongregasyon na walang ganitong video, maaaring ibigay ang pahayag na “Kung Paano Mahaharap ang Negatibong Damdamin,” salig sa Abril 15, 2001 ng Bantayan, pahina 22-4.)
Awit 56 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin sa maikli ang “Bagong Kaayusan Para sa mga Aklatan ng Kingdom Hall.” Banggitin kung sino ang magsisilbing laybraryan para sa aklatan ng Kingdom Hall.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Ano ang Pangunahin sa Iyo?”b Patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang mamamahayag kung paano nila binago ang kanilang mga kalagayan upang makagawa nang higit sa ministeryo.
Awit 127 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.