Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Pebrero 9
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na dalhin ang Setyembre 1, 2003 ng Bantayan para sa pakikipagtalakayan sa pulong sa paglilingkod sa susunod na linggo. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Pebrero 15 ng Bantayan at ang Pebrero 22 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, dapat na magkasamang ialok ang dalawang magasin, kahit na isa lamang ang itatampok. Sa isa sa mga presentasyon, ipakita kung paano sasagutin ang pagtutol na “Mayroon na akong sariling relihiyon.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 17-18 (p. 18-19 sa Ingles).
10 min: “Makinabang sa Pag-aaral ng Maging Malapít kay Jehova.” Pahayag ng isang tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat batay sa artikulo. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 2, itawag-pansin ang iskedyul sa pag-aaral. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 3, basahin at talakayin ang parapo 23 sa pahina 25 ng publikasyon.
25 min: “Patuloy na Sabihin ang Tungkol sa mga Kamangha-manghang Gawa ni Jehova.”a (Parapo 1-10) Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Gamitin ang mga tanong na inilaan. Pasiglahin ang pananabik sa karagdagang gawain sa paglilingkod sa larangan sa panahon ng Memoryal.
Awit 90 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 16
5 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na gamitin ang mga tanong sa pahina 1 sa pagrerepaso ng kanilang mga nota sa paghahanda para sa pakikipagtalakayan sa tagapakinig hinggil sa programa ng “Magbigay ng Kaluwalhatian sa Diyos” na Kombensiyon sa pulong sa paglilingkod sa susunod na linggo.
20 min: Purihin si Jehova “sa Gitna ng Kongregasyon.” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig batay sa Setyembre 1, 2003 ng Bantayan, pahina 19-22. (1) Paano itinatampok ng Awit 22:22, 25 ang ating dahilan sa pagkokomento sa mga pulong? (2) Bakit nakatutulong ang panalangin? (3) Bakit kailangan ang paghahanda? (4) Ano ang dapat maging tunguhin nating lahat sa mga pulong? (5) Bakit nakatutulong ang pag-upo natin sa bandang harapan? (6) Bakit mahalagang makinig sa sinasabi ng iba? (7) Paano tayo makasasagot sa ating sariling pananalita? (8) Paano natin mapatitibay ang iba sa ating mga komento? (9) Ano ang pananagutan ng konduktor?
20 min: “Patuloy na Sabihin ang Tungkol sa mga Kamangha-manghang Gawa ni Jehova.”b (Parapo 11-17) Gamitin ang mga tanong na inilaan. Ilakip ang isang maikling pagtatanghal ng isang mamamahayag na nag-aanyaya sa isang dinalaw-muli na dumalo sa Memoryal.
Awit 75 at pansarang panalangin.
Linggo ng Pebrero 23
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Marso 1 ng Bantayan at ang Marso 8 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, dapat na magkasamang ialok ang dalawang magasin, kahit na isa lamang ang itatampok. Sa pagtatapos ng isa sa mga presentasyon, ibangon ang isang nakapupukaw-kaisipan na tanong na maaaring sagutin sa susunod na pagdalaw na ginagamit ang brosyur na Hinihiling.
35 min: “Ang Pandistrito at Internasyonal na mga Kombensiyon ay Nag-uudyok sa Atin na Magbigay ng Kaluwalhatian sa Diyos!” Pangangasiwaan ng isang elder. Pagkatapos ng pambungad na hindi lalampas sa isang minuto, magsagawa ng pakikipagtalakayan sa tagapakinig tungkol sa programa sa kombensiyon na ginagamit ang mga tanong sa artikulo. Hati-hatiin ang panahon upang masaklaw ang lahat ng mga tanong, marahil ay isasaalang-alang ang isang sagot lamang sa ilang katanungan. Hindi lahat ng siniping kasulatan ay mababasa sa itinakdang panahon; inilakip ang mga ito para madaling hanapin ang mga sagot. Ang mga komento ay dapat na nakatuon sa mga pakinabang ng pagkakapit ng mga bagay na natutuhan.
Awit 81 at pansarang panalangin.
Linggo ng Marso 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Pebrero. Banggitin ang alok na literatura sa Marso, at repasuhin sandali ang isa sa mungkahing mga presentasyon mula sa insert ng Mayo 2002 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: Tatalakayin ng isang elder ang mga punto sa “Tanong,” na idiniriin kung paano tayo dapat gabayan ng mga simulain sa Bibliya kapag nagsasaayos ng mga kasalang Kristiyano.
20 min: “Magagawa Natin ang Hinihiling ni Jehova.”c Gamitin ang mga tanong na inilaan. Kung ipinahihintulot ng panahon, itampok ang siniping mga kasulatan.
Awit 98 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.