Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/05 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hulyo 11
  • Linggo ng Hulyo 18
  • Linggo ng Hulyo 25
  • Linggo ng Agosto 1
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 7/05 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Hulyo 11

Awit 49

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 4 (kung angkop sa inyong teritoryo) upang itanghal kung paano ihaharap ang Hulyo 15 ng Bantayan at ang Hulyo 22 ng Gumising! Maaaring gumamit ng ibang makatotohanang mga presentasyon. Sa bawat pagtatanghal, magpakita ng iba’t ibang paraan kung paano sasagutin ang potensiyal na pagtutol na “Ako’y abala.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, p. 19-20.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Pag-abot sa Pinakamaraming Tao Hangga’t Maaari.”a Kapag tinatalakay ang parapo 5, repasuhin ang mga mungkahi sa Hunyo 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8, na kapit sa lokal na teritoryo.

Awit 88 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 18

Awit 173

10 min: Lokal na mga patalastas. Isaalang-alang sandali ang Agosto 15, 2000 ng Bantayan, pahina 32. Itampok ang mga kapakinabangan ng pagpapanatili ng isang regular na programa ng araw-araw na pagbabasa ng Bibliya, kahit na sa panahon ng bakasyon at sa iba pang panahon kapag hindi natin ginagawa ang ating karaniwang rutin.

15 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya—Bahagi 10.”b Ilakip ang isang pagtatanghal na nagpapakita ng isang nagaganap na pag-eensayo. Habang ineensayo ng estudyante ang isang presentasyon, ang konduktor, na gumaganap bilang may-bahay, ay magsasabi ng isang karaniwang pagtutol at, nang hindi sigurado ang estudyante kung ano ang isasagot, ipaliliwanag ng konduktor kung paano ito maaaring harapin. Bukod diyan, patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang indibiduwal hinggil sa pagsasanay na kanilang tinanggap nang magsimula silang makibahagi sa ministeryo sa bahay-bahay.

20 min: Tulungan ang Iba na Pahalagahan ang Bibliya. Tanong-sagot na pagtalakay batay sa aklat na Sambahin ang Diyos, pahina 24-5, parapo 3-6. Gamitin ang mga tanong sa pag-aaral na nasa aklat. Ilakip ang mga komento sa brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, pahina 32.

Awit 10 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 25

Awit 138

15 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at pagpapasalamat sa donasyong tinanggap. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 (kung angkop sa inyong teritoryo), itanghal kung paano ihaharap ang Agosto 1 ng Bantayan at ang Agosto 8 ng Gumising! Maaaring gumamit ng ibang makatotohanang mga presentasyon. Sa isa sa mga presentasyon, itanghal ang di-pormal na pag-aalok ng mga magasin sa pamilihan o sa iba pang angkop na pampublikong lugar.

10 min: Ikintal ang Katotohanan sa Puso ng Inyong Anak. (Deut. 6:7) Pahayag ng isang matanda batay sa Agosto 15, 2002 ng Bantayan, pahina 30-1. Itampok ang maka-Kasulatang mga simulain sa pagsasanay sa mga anak na nagsisilbing patnubay sa isang Kristiyanong magulang na di-Saksi ang asawa.

20 min: “Ang Pagkakautang Natin sa Iba.”c Ilakip ang mga komento sa Hulyo 1, 2000 ng Bantayan, pahina 11, parapo 13.

Awit 82 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 1

Awit 187

15 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Hulyo. Anyayahan ang mga tagapakinig na buklatin ang aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo sa pahina 70, at sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig, isaalang-alang ang parapo 1-2 at ang kahon na “Paano Magkokomento sa mga Pulong.”

15 min: “Tulungan ang Inyong mga Anak na Sumulong sa Ministeryo.” Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Ilakip ang pagtatanghal ng isang magulang at anak na ginagamit ang isang pinasimpleng presentasyon. Tatapusin ng magulang ang presentasyon sa pamamagitan ng maikling pagpapaliwanag sa kaayusan hinggil sa donasyon.

15 min: Ibinabagay Mo ba ang Iyong Presentasyon? Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Enero 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 6. Repasuhin ang ibinigay na mga mungkahi, at ipakita kung paano ibabagay ang mungkahing presentasyon sa pag-aalok ng literatura para sa Agosto. Ipatanghal ang isa o dalawang presentasyon.

Awit 218 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share