Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hunyo 15
“Marami sa atin ang gugugol ng malaking bahagi ng ating buhay sa pagtatrabaho. Itinuturing ito ng ilan na pagpapala; itinuturing naman ito ng iba na sumpa. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot. Pagkatapos, basahin ang Eclesiastes 2:24.] Ipinakikita ng magasing ito kung paano makatutulong ang Bibliya upang magkaroon tayo ng timbang na pangmalas sa trabaho. Tinatalakay rin nito kung paano haharapin ang kaigtingang nauugnay sa trabaho.”
Gumising! Hunyo 22
“Sa palagay mo kaya ay magiging mas mabuting dako ang ating pamayanan kung ikinakapit ng lahat ang mga pananalitang ito? [Basahin ang Efeso 4:28. Pagkatapos, hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang malaking halagang ibinabayad ng bawat isa sa atin dahil sa pang-uumit sa tindahan. Ipinakikita rin nito kung paanong ang pang-uumit sa tindahan, at lahat ng iba pang mga krimen, ay malapit nang mawala.”
Ang Bantayan Hulyo 1
“Lahat tayo ay may nakikilalang mga tao na waring matagumpay naman subalit nakadarama pa rin na may kulang sa kanilang buhay. Ano sa palagay mo ang hinahanap nila? [Hayaang sumagot. Pagkatapos, basahin ang Mateo 5:3.] Tinatalakay ng magasing ito ang mahalagang susi sa pagtatamo ng panloob na kapayapaan—ang sapatan ang ating espirituwal na pangangailangan.”
Gumising! Hulyo 8
“Sa daigdig ngayon na may matinding kompetisyon sa paghahanap ng trabaho, malaking problema ang kawalan ng trabaho. Itinatala ng magasing ito ang limang paraan upang makahanap ng trabaho. [Itampok ang mga subtitulong may makakapal na letra sa artikulong “Limang Paraan Upang Makahanap ng Trabaho.”] Nagbibigay rin ito ng praktikal na mga mungkahi kung paano makapananatili sa trabaho.” Basahin ang Kawikaan 22:29 na sinipi sa pahina 10.