Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Setyembre: Iaalok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Oktubre 1-15: Indibiduwal na kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Oktubre 16–Nobyembre 12: Espesyal na kampanya para sa Kingdom News Blg. 37. Nobyembre 13-30: Iaalok ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa.
◼ Yamang may limang Linggo ang Oktubre, magandang pagkakataon ito para sa marami na mag-auxiliary pioneer.
◼ Ipinaaalaala sa matatanda na sundin ang mga tagubiling nasa Bantayan ng Abril 15, 1991, pahina 21-3, may kaugnayan sa sinumang tiwalag o kusang humiwalay na baka gusto nang makabalik.
◼ Pagbilang sa mga Nahuling Ulat: Muling ipinaaalaala sa mga kalihim ng kongregasyon na, kapag may mamamahayag na nahuli sa pagbibigay ng ulat, isasama ito sa ulat sa tanggapang pansangay sa susunod na buwan. Kung magbibigay siya ng ulat sa tamang panahon sa susunod na buwan, bibilangin siya bilang dalawang mamamahayag sa buwang iyon, upang maisama pa rin ang hindi niya naiulat noong nakaraang buwan. Para sa detalye, pakisuyong tingnan ang katulad na patalastas sa Setyembre 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 2.
◼ Simula sa linggo ng Enero 8, 2007, gagamitin ang Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Sa insert ng isyung ito sa pahina 3-6, may talaan ng ilang pagbabagong dapat gawin ng bawat isa sa kaniyang personal na kopya ng aklat na Apocalipsis Kasukdulan Nito bilang paghahanda sa pag-aaral sa aklat na ito.