Mga Pagbabago sa Aklat na Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
Nakalista sa ibaba ang pangunahing mga pagbabago sa aklat na Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito! na inilathala noong 1988. Isinama na ang ilan sa pagbabagong ito noong muling ilimbag ang aklat pagkatapos ng 1988.
KABANATA 4
p. 19, ¶4, alisin ang huling binanggit na teksto: Mateo 25:31-33
KABANATA 5
p. 24, ¶3, palitan ang talababa ng: * Para sa detalyadong paliwanag, tingnan ang pahina 88-92, 215-18 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
KABANATA 6
p. 30, ¶11, linya 7, palitan ang “2 Pedro 3:1-3” ng: 2 Pedro 2:1-3
p. 30, ¶12, palitan ang ikaanim na pangungusap ng: Sa wakas, tinanggap ng Romanong emperador na si Constantino ang relihiyong “Kristiyano” sa estado, at dito nagsimulang mabuo ang Sangkakristiyanuhan, kung saan pinagsanib ng Simbahan at ng Estado ang kanilang puwersa upang mamahala nang isang libong taon.
p. 32, kahon, palitan ang unang parapo ng: Si Jesus ay binautismuhan at pinahiran bilang Haring Itinalaga noong mga Oktubre 29 C.E. sa Ilog Jordan. Pagkaraan ng tatlo at kalahating taon, noong 33 C.E., nagtungo siya sa templo sa Jerusalem at ipinagtabuyan ang mga tao sapagkat ginagawa nila itong yungib ng mga magnanakaw. Waring nakakatulad ito ng yugto na tatlo at kalahating taon mula nang iluklok si Jesus sa trono sa mga langit noong Oktubre 1914 hanggang sa kaniyang pagdating upang siyasatin ang nag-aangking mga Kristiyano nang magsimula ang paghatol sa bahay ng Diyos. (Mateo 21:12, 13; 1 Pedro 4:17) Pagpasok ng 1918, mahigpit na sinalansang ang gawaing pang-Kaharian ng bayan ni Jehova. Panahon iyon ng pagsubok sa buong lupa, at inihiwalay ang mga matatakutin. Noong Mayo 1918, nabilanggo ang mga opisyal ng Samahang Watch Tower dahil sa panunulsol ng klero ng Sangkakristiyanuhan, subalit pinalaya sila pagkaraan ng siyam na buwan. Nang dakong huli, hindi na itinuloy ang bulaang mga akusasyon laban sa kanila. Mula noong 1919, ang organisasyon ng bayan ng Diyos, na sinubok at dinalisay, ay buong-sigasig na nagpatuloy sa paghahayag ng Kaharian ni Jehova sa pamamagitan ni Kristo Jesus bilang pag-asa ng sangkatauhan.—Malakias 3:1-3.
KABANATA 8
p. 40, ¶8, linya 7, palitan ang “125 pagkakamali” ng: 130 pagkakamali
p. 40, ¶10, palitan ang huling pangungusap ng: Sa Korte Suprema ng Estados Unidos pa lamang, nagwagi sa 50 kaso ang mga Saksi ni Jehova.
KABANATA 10
p. 50, ¶11, palitan ang talababa ng: * Bilang halimbawa, tingnan ang artikulong “Tapat na mga Babaing Kristiyano—Mahahalagang Mananamba ng Diyos” sa Nobyembre 1, 2003, isyu ng Ang Bantayan.
KABANATA 11
p. 56, ¶9, palitan ang huling dalawang pangungusap ng parapo ng: Kaugnay nito, ang magasing Bantayan ay nakapaglaan ng pampatibay-loob sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang gaya ng “Patuloy na Patunayan Kung Ano Nga Kayo” at “Huwag Nang Mamuhay Pa Para sa Ating Sarili.”* Sa pamamagitan ng maka-Kasulatang tulong na ito, siyasatin natin ang ating panloob na pagkatao samantalang sinisikap nating maging mapagpakumbaba at mapanalanginin habang lumalakad nang tapat kay Jehova.—Awit 26:1-3; 139:23, 24.
p. 56, ¶9, palitan ang talababa ng: * Tingnan Ang Bantayan, Hulyo 15, 2005, at Marso 15, 2005.
KABANATA 12
p. 61, ¶14, palitan ang talababa ng: # Patuloy na idiniriin ng magasing Bantayan, na inilalathala ng uring Juan, ang pagkaapurahan na samantalahin ang pagkakataong ito at makibahagi nang lubusan sa gawaing pangangaral; halimbawa, tingnan ang mga artikulong “Ihayag ng Lahat ang Kaluwalhatian ni Jehova” at “Sa Buong Lupa ay Lumabas ang Kanilang Tinig” sa Enero 1, 2004, na isyu ng Ang Bantayan. Sa isyu ng Hunyo 1, 2004 na may artikulong “Pinagpapala ang mga Nagbibigay ng Kaluwalhatian sa Diyos,” idiniin ang pagpasok sa “bukás na pinto” ng buong-panahong paglilingkod. Sa loob lamang ng isang buwan noong 2005, isang pinakamataas na bilang na 1,093,552 ang naglingkod bilang payunir.
KABANATA 13
p. 69, ¶11, palitan ang huling pangungusap ng: Halos 40 taon ang kaagahan, tinukoy nila ang 1914 bilang taon na itinakda ng hula sa Bibliya bilang siyang katapusan ng mga panahong Gentil, kasabay ng nakagugulat na mga pangyayari sa lupa.—Apocalipsis 1:10.
p. 69, ¶12, kolum 2, linya 9, palitan ang “El Paso, Texas,” ng: Pampa, Texas,
p. 71, ¶14, linya 3, palitan ang “na sa 1988 ay umabot na sa mahigit 20 milyon” ng: na mahigit 59 na milyon noong 2006
p. 73, ¶23, linya 15, alisin ang binanggit na teksto: Mateo 25:31
KABANATA 16
p. 90, ¶4, palitan ang ikalawang talababa ng: * Para sa detalyadong patotoo na si Jesus ay naluklok sa kaniyang Kaharian noong 1914, tingnan ang pahina 215-18 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
p. 90, ¶6, palitan ang parapo ng: Bakit nga ba kailangang humayo sa digmaan ang bagong-nakoronahang Hari? Sapagkat ang kaniyang paghahari ay itinatag sa harap ng mahigpit na pagsalansang mula sa pangunahing kaaway ni Jehova, si Satanas na Diyablo, at mula sa mga nasa lupa na—sa nalalaman man nila o hindi—ay naglilingkod para sa layunin ni Satanas. Kinailangang maganap ang isang malaking digmaan sa langit upang maisilang ang Kaharian. Sa pakikipagbaka niya sa ilalim ng pangalang Miguel (na nangangahulugang “Sino ang Tulad ng Diyos?”), dinaig ni Jesus si Satanas at ang kaniyang mga demonyo at inihagis ang mga ito sa lupa. (Apocalipsis 12:7-12) Patuloy na humahayo si Jesus upang manaig hanggang sa unang mga dekada ng araw ng Panginoon samantalang tinitipon ang tulad-tupang mga tao. Bagaman “nasa kapangyarihan [pa rin] ng isa na balakyot” ang buong daigdig, patuloy na maibiging nagpapastol si Jesus sa kaniyang pinahirang mga kapatid at sa kanilang mga kasamahan, anupat tinutulungan ang bawat isa sa kanila na manaig sa pakikipagbaka ukol sa pananampalataya.—1 Juan 5:19.
p. 91, ¶9, palitan ang huling pangungusap ng: Namumukod-tangi ang pagsulong sa mga lupaing Katoliko at sa mga bansang napakahigpit ng pag-uusig—gaya sa Alemanya, Italya, at Hapon, kung saan ang mga Saksi ay nag-uulat ngayon ng kabuuang bilang na mahigit pa sa 600,000 aktibong mga ministro sa larangan.—Isaias 54:17; Jeremias 1:17-19.
p. 94, ¶18, palitan ang parapo ng: Maituturing kaya itong tagumpay para sa teknolohiyang militar? Hindi nga, kundi patotoo ito na kumakaripas na ang malupit na kabayong pula. At saan hahantong ang pagkaripas na ito? Bumabanggit ang ilang siyentipiko ng posibilidad na magkaroon ng di-sinasadyang digmaang nuklear—huwag nang sabihin pa ang isang isinaplanong nuklear na pagkatupok! Subalit nakagagalak na ang nananaig na Sakay ng kabayong puti ay may ibang gagawin tungkol dito.
p. 97, ¶28, palitan ang parapo ng: Malaking papel din ang ginampanan dito ng “nakamamatay na salot” sa kasalukuyan. Kasunod ng pamiminsala ng Digmaang Pandaigdig I, mahigit 20 milyon katao ang namatay dahil sa trangkaso Espanyola sa loob lamang ng ilang buwan noong 1918-19. Ang tanging dako sa lupa na nakaligtas sa salot na ito ay ang maliit na isla ng St. Helena. Sa mga dakong halos maubos ang populasyon, buntun-buntong mga bangkay ang sinunog. At sa ngayon, nakatatakot ang pagdami ng mga nagkakaroon ng kanser at sakit sa puso, na kadalasa’y dahil sa polusyong dulot ng sigarilyo. Sa itinuturing na “mapanganib na dekada” ng 1980, ang salot na AIDS ay naparagdag sa “nakamamatay na salot” bunga ng isang paraan ng pamumuhay na salungat sa mga pamantayan ng Bibliya. Sa ulat noong taóng 2000, sinabi ng surgeon general ng Estados Unidos na ang AIDS ang “malamang na pinakagrabeng epidemya sa kalusugan na naranasan ng daigdig kailanman.” Sinabi niya na 52 milyon katao sa buong daigdig ang nahawahan ng HIV/AIDS, at 20 milyon sa kanila ang namatay na. Napakalaki ng pasasalamat ng bayan ni Jehova sapagkat naipagsasanggalang sila ng matalinong payo ng kaniyang Salita mula sa pakikiapid at maling paggamit ng dugo, na siyang dahilan ng pagkalat ng napakaraming sakit sa ngayon!—Gawa 15:28, 29; ihambing ang 1 Corinto 6:9-11.
KABANATA 17
p. 100, ¶2, linya 15 at 16, palitan ang “1 Cronica 23:4” ng: 1 Cronica 24:4
KABANATA 18
p. 106, ¶7, palitan ang parapo ng: Nagdulot ng panibagong daluyong ng kaligaligan ang Digmaang Pandaigdig II. At ang lupa ay patuloy na niyayanig ng mas maliliit na digmaan at internasyonal na terorismo. Maraming tao ang nag-iisip dahil sa kasindak-sindak na banta ng mga terorista o ng mga estado na gumagamit ng mga sandata para sa lansakang paglipol.
p. 106, palitan ang tanong bilang 7-9 (b) ng: Ano pang kaligaligan ang mararanasan ng lipunan ng tao sa kalaunan sa panahon ng pagkanaririto ni Jesus?
p. 107, ¶9, palitan ang ikatlong pangungusap ng: Ang malalagim na araw na sumunod dito ay tiyak na bahagi ng katuparan ng hula ni Jesus tungkol sa kaniyang pagkanaririto, kasali na ang “panggigipuspos ng mga bansa, na hindi malaman ang gagawin . . . samantalang ang mga tao ay nanlulupaypay dahil sa takot at sa paghihintay sa mga bagay na dumarating sa tinatahanang lupa.” (Lucas 21:7-9, 25-31)*
p. 107, ¶9, palitan ang talababa ng: * Sa loob ng mahigit 35 taon, mula noong 1895 hanggang 1931, ang mga salita sa Lucas 21:25, 28, 31 ay sinipi sa pabalat ng magasing Bantayan na may nakalarawang parola na nagbibigay-liwanag sa maunos na kalangitan at nagngangalit na karagatan.
p. 107, ¶11, palitan ang ikaapat na pangungusap ng: Nabigyan na ng ganitong pangglobong babala ang makasanlibutang sistema ni Satanas.*
p. 109, ¶17, alisin ang ikalawang pangungusap na kasunod ng pagsipi sa Apocalipsis 6:12b, 13: Ang tinutukoy nito ay ang kahahantungan ng kapaha-pahamak na kalagayan na dati nang inihula ni Jesus sa Mateo 24:29.
KABANATA 20
p. 123, ¶11, palitan ang ikaapat na pangungusap ng: Sa panahong inililimbag ang aklat na ito, iba’t ibang anyo ng MEPS ang ginagamit na sa mahigit 125 lugar sa buong lupa, at nakatulong ito upang mailathala nang sabay-sabay sa mahigit 130 wika ang magasing Ang Bantayan, na lumalabas nang dalawang beses sa isang buwan.
p. 128, ¶30, palitan ang huling pangungusap ng: Kaunti lamang sa sangkatauhan, kabilang na ang sinuman sa tinatakang 144,000 na maaaring naririto pa sa laman at isang malaking pulutong ng mga ibang tupa na “makatatayo,” samakatuwid nga, makaliligtas na kasama nila.—Jeremias 35:19; 1 Corinto 16:13.
KABANATA 22
p. 143, palitan ang subtitulo ng: Ang Salot ng Balang Ngayon
p. 146, ¶16, palitan ang mga pangungusap kasunod ng pagsipi sa Apocalipsis 9:10 ng: Ano kaya ang kahulugan nito? Habang ginaganap ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang gawaing pang-Kaharian, naghahayag sila ng mapananaligang mga mensahe na batay sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga labi at inilimbag na mga publikasyon. Ang kanilang mensahe ay may tulad-alakdang tibo sapagkat nagbababala ang mga ito tungkol sa dumarating na araw ng paghihiganti ni Jehova. (Isaias 61:2) Bago magwakas ang buhay ng kasalukuyang henerasyon ng espirituwal na mga balang, lubusan nilang maisasagawa ang atas na ibinigay sa kanila ng Diyos na ipahayag ang mga kahatulan ni Jehova—na makasasakit sa lahat ng matitigas-ang-ulong mga mamumusong.
p. 147, ¶17, palitan ang talababa ng: * Ang magasing ito ay binigyan ng bagong pangalan na Consolation noong 1937 at Awake! naman noong 1946.
p. 147, ¶19, palitan ang linya 8-13 ng: (Mateo 24:3-14; Apocalipsis 12:1-10) Pagkatapos, sinipi nito ang manipesto na inilathala sa London noong 1917 at nilagdaan ng walong klerigo, na sinasabing “kabilang sa pinakamagagaling na mangangaral sa daigdig.”
KABANATA 24
p. 160, ¶21, linya 13, palitan ang “mga taong tulad ng kambing” ng: mga kalaban
p. 160, ¶21, linya 19, palitan ang “Mateo 25:31-34, 41, 46” ng: Filipos 1:27, 28
p. 160, palitan ang tanong bilang 21 (b) ng: Bakit masamang balita para sa mga kalaban ang mabuting balita?
KABANATA 25
p. 162, ¶4, palitan ang talababa ng: * Para sa detalyadong pagtalakay sa dakilang espirituwal na templong ito, tingnan ang mga artikulong “Ang Dakilang Espirituwal na Templo ni Jehova” sa isyu ng Hulyo 1, 1996 ng Ang Bantayan at “Ang Kaisa-isahang Tunay na Templo na Sambahan” sa isyu ng Hunyo 1, 1973 ng Ang Bantayan.
p. 162, ¶5, palitan ang ikatlong pangungusap ng: Sa mga hula sa Hebreong Kasulatan, ang ganitong pagsukat ay isang garantiya na ilalapat ang katarungan salig sa sakdal na mga pamantayan ni Jehova.
p. 162, ¶7, palitan ang ikalawang pangungusap kasunod ng pagsipi sa Apocalipsis 11:2 ng: Gaya ng makikita natin, ang tinutukoy rito ay literal na 42 buwan na sumasaklaw mula Disyembre 1914 hanggang Hunyo 1918, nang sumailalim sa matinding pagsubok ang lahat ng nag-aangking Kristiyano.
p. 164, ¶12, palitan ang ikatlong pangungusap ng: Bukod dito, sa pagpapasimula ng araw ng Panginoon, may kapansin-pansing yugto na tatlo at kalahating taon kung kailan ang mahihirap na karanasang sinapit ng bayan ng Diyos ay tumutugma sa mga pangyayaring inihula rito—pasimula noong Disyembre 1914 hanggang Hunyo 1918.
p. 165, palitan ang kapsiyon sa larawan ng: Ipinahiwatig ng gawaing muling pagtatayo nina Zerubabel at Josue na sa araw ng Panginoon, ang maliliit na pasimula ay susundan ng malaking pagsulong ng mga Saksi ni Jehova. Ang mga pasilidad gaya ng ipinakikita sa itaas, na nasa Brooklyn, New York, ay kinailangang palakihin nang husto upang matugunan ang kanilang pangangailangan
p. 165, ¶15, linya 6, palitan ang “(Mateo 17:1-3; 25:31)” ng: (Mateo 17:1-3)
KABANATA 26
p. 175, ¶12, palitan ang talababa ng: * Iniulat ng Romanong istoryador na si Tacitus na nang bihagin ang Jerusalem noong 63 B.C.E. at pumasok si Cneius Pompeius sa santuwaryo ng templo, nasumpungan niya itong walang laman. Wala roon ang kaban ng tipan.—History, ni Tacitus, 5.9.
KABANATA 27
p. 185, kahon, palitan ang ikaanim na parapo ng: Sa Espanya, pinasok ang mga tahanan at ang mga Kristiyano ay pinagmulta at ibinilanggo dahil sa “krimen” ng pagsasalita tungkol sa Diyos at pagdaraos ng mga Kristiyanong pagpupulong. Sa wakas, ang pag-uusig na ito ay nahinto noong 1970, nang magbago ang patakaran ng gobyerno sa mga relihiyong di-Katoliko at pahintulutang legal na mairehistro ang mga Saksi ni Jehova.
p. 185, ¶28, palitan ang unang dalawang pangungusap ng: Ang mabalasik na bahang ito ng pag-uusig ay sumapit sa sukdulan noong Digmaang Pandaigdig II. Sa Europa, mga 12,000 Saksi ang nakulong sa mga kampong piitan at bilangguan ng mga Nazi, at mga 2,000 ang namatay.
KABANATA 28
p. 187, ¶4, palitan ang talababa ng: * Ukol sa karagdagang detalye, pakisuyong tingnan ang pahina 165-79 ng aklat na Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
p. 190, ¶15, palitan ang unang tatlong pangungusap ng: Para sa nangingibabaw na ikapitong ulo ng mabangis na hayop, malaking kasakunaan ang digmaang iyon. Gaya sa iba pang bansa sa Europa, napakaraming kabataang lalaki sa Britanya ang namatay. Sa isang labanan lamang, ang Labanan sa Ilog Somme noong 1916, 420,000 Britano ang nasugatan at nasawi, kasama ang 194,000 Pranses at 440,000 Aleman—mahigit 1,000,000 nasugatan at nasawi!
p. 192, ¶22, kolum 2, palitan ang linya 6 hanggang 8 ng: Sumapit sa sukdulan ang pagsubok sa kanila noong Hunyo 1918,
KABANATA 29
p. 202, ¶14, palitan ang linya 1-3 ng: Ang 144,000 ay “binili mula sa lupa,” “binili mula sa sangkatauhan.” Sila ay inaampon bilang mga anak ng Diyos, at kapag
KABANATA 30
p. 206, ¶3, palitan ang ikalawang pangungusap ng: Buweno, ano ba ang naging resulta pagkaraan ng 539 B.C.E. noong bumagsak ang sinaunang Babilonya?
p. 209, ¶10, palitan ang linya 1 ng: Pagsapit ng dekada ng 1870,
p. 209, palitan ang tanong bilang 10 ng: Ano ang nangyari pagsapit ng dekada ng 1870, at paano tumugon dito ang Babilonyang Dakila?
p. 212, ¶23, palitan ang ikatlo, ikaapat, at ikalimang pangungusap ng: Agad na tumalima si Jesus. Mula noong 1919, ipinatapos muna niya sa kaniyang mga anghel ang pag-aani ng 144,000. (Mateo 13:39, 43; Juan 15:1, 5, 16) Pagkatapos nito, isinunod ang pagtitipon sa malaking pulutong ng ibang tupa. (Juan 10:16; Apocalipsis 7:9)
KABANATA 32
p. 231, ¶27, palitan ang huling seksiyon ng parapo na nagsisimula sa pagbanggit sa “Mateo 24:42, 44” ng: (Mateo 24:42, 44; Lucas 12:37, 40) Inulit ni apostol Pablo ang babalang ito at nagsabi: “Ang araw ni Jehova ay dumarating na kagayang-kagaya ng isang magnanakaw sa gabi. Kailanma’t kanilang sinasabi: ‘Kapayapaan at katiwasayan!’ kung magkagayon ay kagyat na mapapasakanila ang biglang pagkapuksa.” Si Satanas ang nasa likod ng anumang huwad na paghahayag na iyon ng “Kapayapaan at katiwasayan!”—1 Tesalonica 5:2, 3.
KABANATA 33
p. 243, ¶21, palitan ang ikalawa sa huling pangungusap ng: Kapuna-puna, halos walang binanggit ang papa tungkol kay Jesu-Kristo o sa Kaharian ng Diyos sa kaniyang talumpati.
p. 245, ¶25, linya 5, palitan ang binanggit na teksto na “(Apocalipsis 14:8; 17:2)” ng: (Apocalipsis 14:8; 17:4)
KABANATA 34
p. 246, ¶1, palitan ang ikalawa sa huling pangungusap ng: Subalit kagitla-gitlang nagkatotoo ang pangitain sa ating panahon.
p. 249, ¶10, palitan ang ikaapat na pangungusap ng: Ayon sa ulat ng International Peace Research Institute, umabot nang limang milyon katao ang nasawi bilang resulta ng mga digmaan noong 1986 lamang!
p. 250, ¶12, talababa, palitan ang “1981” ng: 1993
p. 251, ¶14, palitan ang parapo ng: Nitong nakaraang mga taon, ginamit ng mga pulitiko ang pariralang “kapayapaan at katiwasayan” upang ilarawan ang iba’t ibang programa ng tao. Pasimula na ba ng katuparan ng 1 Tesalonica 5:3 ang mga pagsisikap na iyon ng mga lider ng daigdig? O isang espesipiko at nakagigitlang pangyayari lamang ba ang tinutukoy ni Pablo anupat mapapansin ito ng buong daigdig? Yamang ang mga hula sa Bibliya ay kadalasang lubusang nauunawaan lamang pagkatapos na matupad o habang natutupad ang mga ito, kailangan nating maghintay. Samantala, batid ng mga Kristiyano na anumang kapayapaan o katiwasayan ang waring nakakamit ng mga bansa, wala pa rin talagang nagbabago. Nariyan pa rin ang kasakiman, pagkakapootan, krimen, pagkasira ng pamilya, imoralidad, pagkakasakit, dalamhati, at kamatayan. Kaya kung mananatili kang gising sa kahulugan ng mga pangyayari sa daigdig at pakikinggan mo ang makahulang mga babala sa Salita ng Diyos, hindi ka maililigaw ng anumang pagsigaw ng “kapayapaan at katiwasayan.”—Marcos 13:32-37; Lucas 21:34-36.
KABANATA 36
p. 259, ¶4, palitan ang huling dalawang pangungusap ng: Noong 1914, naging makalangit na Hari si Jesus, at mula noon, ginagamit na niya ang kaniyang awtoridad sa lupang ito bilang kasamang Hari at Hukom na itinalaga ni Jehova. Kaya nga angkop lamang na siya ang maghayag ng pagbagsak ng Babilonyang Dakila.
p. 260, ¶9, palitan ang unang apat na pangungusap ng: Ang pagbagsak ng sinaunang Babilonya noong 539 B.C.E. ang pasimula ng unti-unting paghina nito na humantong sa kaniyang pagkawasak. Kahalintulad nito, mula noong unang digmaang pandaigdig, kapansin-pansin ang paghina ng impluwensiya ng maka-Babilonyang relihiyon sa buong daigdig. Sa Hapon, ang pagsamba sa emperador sa relihiyong Shinto ay ipinagbawal pagkaraan ng ikalawang digmaang pandaigdig.
p. 265, ¶22, alisin ang huling binanggit na teksto:—Ihambing ang Mateo 24:15, 16.
p. 266, ¶28, palitan ang ikatlo at ikaapat na pangungusap ng: Gagantihan siya nang makalawang ulit ng kaniyang ginawa. Hindi pagpapakitaan ng awa ang Babilonyang Dakila sapagkat hindi rin siya nagpakita ng awa sa kaniyang mga biktima.
KABANATA 38
p. 277, ¶17, palitan ang huling dalawang pangungusap ng: Kung may mga pinahirang natitira pang buháy sa lupa, walang-alinlangang makakamit nila ang kanilang makalangit na gantimpala karaka-raka pagkatapos malubos ni Kristo ang kaniyang pananaig at makakasama nila ang kanilang mga kapuwa miyembro ng uring kasintahang babae. Pagkatapos, sa takdang panahon ng Diyos, maaari nang idaos ang kasal ng Kordero!
p. 277, ¶18, palitan ang unang pangungusap ng: Inilalarawan ng makahulang ulat sa Awit 45 ang sunud-sunod na mangyayari.
KABANATA 39
p. 281, ¶10, palitan ang huling dalawang pangungusap ng: Bukod dito, “ang lahat ng mga anghel” ay maglilingkod kay Jesus samantalang nakaupo siya sa kaniyang maluwalhating trono upang hatulan ang mga bansa at mga tao sa lupa. (Mateo 25:31, 32) Sa pangwakas na digmaan, kung kailan lubusang ilalapat ang mga hatol ng Diyos, tiyak na muli na namang makakasama ni Jesus ang kaniyang mga anghel.
KABANATA 41
p. 296, ¶5, palitan ang unang tatlong pangungusap ng: Sino pa ang huhukuman ngayong tumakas na ang dating lupa at ang dating langit? Hindi ang pinahirang nalabi ng 144,000, sapagkat nahatulan at natatakan na ang mga ito. Kung may nabubuhay pang pinahiran sa lupa pagkatapos ng Armagedon, hindi magtatagal at mamamatay rin sila upang tanggapin ang kanilang makalangit na gantimpala sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. (1 Pedro 4:17; Apocalipsis 7:2-4)
KABANATA 43
p. 311, ¶19, palitan ang mga pangungusap pagkatapos ng binanggit na teksto na “Apocalipsis 11:15; 12:10” ng: Sa panahon ng kawakasan, inaanyayahan ng espiritu at ng kasintahang babae ang mga wastong nakaayon na kumuha ng tubig ng buhay na walang bayad. Patuloy na makakakuha ang mga ito ng tubig mula sa ilog na ito hanggang sa katapusan ng sistemang ito ng mga bagay at, pagkatapos, hanggang sa bagong sanlibutan, kapag ang Bagong Jerusalem ay ‘bumabang galing sa langit mula sa Diyos.’—Apocalipsis 21:2.
p. 312, ¶26, palitan ang unang dalawang pangungusap ng: Maaaring kabilang sa mga punungkahoy na iyon, na nasa tabi ng ilog at natutubigang mainam, ang 144,000 miyembro ng asawa ng Kordero. Samantalang nasa lupa, umiinom din sila mula sa paglalaan ng Diyos para sa buhay sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Kapansin-pansin, makahulang tinatawag na “malalaking punungkahoy ng katuwiran” ang inianak-sa-espiritung mga kapatid na ito ni Jesus. (Isaias 61:1-3; Apocalipsis 21:6)