Iskedyul ng Pulong Ukol sa Paglilingkod
Pansinin: Isang Pulong sa Paglilingkod ang nakaiskedyul sa Ating Ministeryo sa Kaharian para sa bawat linggo sa mga buwan ng kombensiyon. Maaari itong baguhin ng mga kongregasyon kung kinakailangan upang makadalo sa kombensiyon. Pagkaraan ng isa o dalawang buwan pagkatapos ng inyong kombensiyon, maglaan ng 15 hanggang 20 minuto sa Pulong sa Paglilingkod (marahil ay ginagamit ang bahagi ng lokal na mga pangangailangan) para sa repaso sa mga tampok na bahagi ng kombensiyon. Hindi ito repaso ng buong programa ng kombensiyon. Sa halip, itampok lamang ang mga bahagi na tuwirang may kaugnayan sa paglilingkod sa larangan. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano nila ikinakapit ang impormasyong iyon sa kanilang ministeryo.
Linggo ng Oktubre 9
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano iaalok ang Oktubre 15 ng Bantayan at ang Oktubre ng Gumising! kasama ang Kingdom News Blg. 37.
15 min: “Pambuong-Daigdig na Kampanya Upang Ianunsiyo ang ‘Malapit Na ang Kaligtasan!’ na Pandistritong Kombensiyon.”a Tiyaking basahin ang lahat ng parapo.
20 min: Maghanda sa Pamamahagi ng Kingdom News Blg. 37. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Repasuhin ang mga kaayusan para sa kampanya na tinalakay sa Setyembre ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang mga may progresibong pag-aaral sa Bibliya na tingnan kung kuwalipikado na ang kanilang mga estudyante na makibahagi sa kampanya bilang di-bautisadong mga mamamahayag. Puwede ring tingnan ng mga magulang kung kuwalipikado na ang kanilang mga anak. Isa-isahin sa maikli ang mga kahilingang nasa pahina 79-81 ng Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova.
Awit 221 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 16
5 min: Lokal na mga patalastas.
10 min: “Ano ang Inuuna Mo?”b Anyayahan ang mga piniling mamamahayag na magkomento kung paano nila binago ang kanilang iskedyul upang unahin ang kapakanan ng Kaharian.
30 min: “Patuloy na Hintayin si Jehova.”c Gagampanan ng kalihim ng kongregasyon. Talakayin sa maikli ang mga punto sa kahong “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon.”
Awit 172 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 23
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano iaalok ang Nobyembre 1 ng Bantayan at ang Nobyembre ng Gumising!
15 min: “Makinig at Kumuha ng Higit Pang Turo.”d Tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang nakatulong sa kanila upang hindi magambala sa mga kombensiyon.
20 min: “Lubos na Makinabang sa mga Pagtitipon Para sa Paglilingkod sa Larangan.”e Habang tinatalakay ang parapo 3, ilakip ang mga komento sa “Tanong,” parapo 4 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, Setyembre 2001 tungkol sa dapat gawin kapag walang kuwalipikadong brother na mangangasiwa sa pulong.
Awit 143 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 30
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay na ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan at isulat sa likod nito kung ilan ang naipasakamay nilang Kingdom News Blg. 37.
15 min: “Paano Kaya Kami Makatutulong?” Pahayag. Idiin na kung may gustong mag-abuloy para sa pagkakawanggawa at pagtulong, iminumungkahi na iabuloy ito para sa pambuong-daigdig na gawain.
20 min: Mga Karanasan sa Pamamahagi ng Kingdom News Blg. 37. Ipakuwento sa mga mamamahayag ang nakapagpapatibay na mga resulta ng kanilang pamamahagi ng Kingdom News Blg. 37. Sabihin kung anu-ano ang mga teritoryong nagawa na at kung ano pa ang kailangan para matapos ang buong teritoryo pagsapit ng Nobyembre 12. Itanghal kung paano gagawin ang pagdalaw-muli gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibalik ang lahat ng kopya ng Kingdom News na hindi nila maipamamahagi bago matapos ang kampanya upang magamit ito ng iba.
Awit 136 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 6
10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 3-4 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, Enero 2005, itanghal kung paano iaalok ang Matuto Mula sa Dakilang Guro sa sumunod na kalahatian ng Nobyembre.
15 min: Gawing Mas Masaya at Mas Marangal ang Araw ng Inyong Kasal. Pahayag ng isang elder batay sa Oktubre 15, 2006, isyu ng Ang Bantayan, pahina 28-31.
20 min: Makinabang sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, mula sa subtitulo sa pahina 69 hanggang sa unang subtitulo sa pahina 72.
Awit 8 at pansarang panalangin.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.