Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Nobyembre 13
10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano iaalok ang Nobyembre 15 ng Bantayan at ang Nobyembre ng Gumising!
20 min: Mga Ministro ng Mabuting Balita. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig batay sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, pahina 77 hanggang sa subtitulo sa pahina 83.
15 min: “Matapang Ngunit Mapagpayapa.”a Ilakip ang mga komento sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 252-3, sa ilalim ng nakaitalikong subtitulo na “Kung Kailan Magpaparaya.”
Awit 39 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 20
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Pag-aalok sa Disyembre ng aklat na Pinakadakilang Tao. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Hilingan ng komento ang tagapakinig kung ano ang nagustuhan nila sa aklat na Pinakadakilang Tao at ipakuwento ang natatanging karanasan nila noon sa pag-aalok nito. Repasuhin ang halimbawang mga presentasyon mula sa insert ng Enero 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Itanghal kung paano iaalok ang aklat, gamit ang isa sa halimbawang presentasyon.
Awit 203 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 27
5 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala.
10 min: Nagkakaisang Nagtatayo Upang Purihin ang Diyos. Pahayag ng isang elder batay sa Nobyembre 1, 2006 ng Bantayan, pahina 17-21.
15 min: “Kung Paano Maghahanda ng Presentasyon sa Pag-aalok ng Magasin.”b Magkaroon ng tatlong-minutong pagtatanghal ng dalawang mamamahayag, marahil mag-asawa, na pumipili ng mungkahing presentasyon sa pahina 8 para sa mga magasin ng Disyembre at nagpapasiya kung paano nila ito sasabihin sa sarili nilang salita. Pagkatapos, gamit ang mga mungkahi sa artikulong napili, maghahanda at magtatanghal sila kung paano nila ihaharap ang isa pang artikulo na napapanahon sa kanilang teritoryo.
15 min: Paano Ako Makapangangaral sa Aking mga Kaeskuwela? Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig batay sa Marso 22, 2002, isyu ng Gumising! pahina 10-12. Anyayahan ang tagapakinig na ikuwento ang kanilang magagandang karanasan sa pangangaral sa mga kaeskuwela.
Awit 120 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 4
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Nobyembre. Repasuhin ang “Tanong” sa pahina 2.
15 min: “Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!”c Himukin ang kongregasyon na gamitin ang espesyal na mga bahagi ng aklat, tulad ng mga kahon at larawan. Sa pagtatapos ng bawat pag-aaral, dapat repasuhin ang aralin mula sa Bibliya.
20 min: Gamitin ang Bibliya sa Pagsagot. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig batay sa Agosto 15, 2002 ng Bantayan, pahina 17-18, sa ilalim ng subtitulong “Pagpapakita ng Pag-ibig sa mga Katotohanan na Ating Itinuturo.” Anyayahan ang tagapakinig na magkomento sa bawat tanong. Magkaroon ng pagtatanghal ng isang mamamahayag na gumagamit ng aklat na Nangangatuwiran para magbigay ng maka-Kasulatang sagot sa katrabaho na nagtatanong, “Bakit hindi kayo nagdiriwang ng Pasko?”
Awit 168 at pansarang panalangin.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.