Tanong
◼ Tama bang tipunin ang materyal na itatampok sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at ipamahagi ito sa iba?
Puwede namang gawin ito para sa personal na gamit ng pamilya at ng ilang malapít na kaibigan. Pero ang gayong materyal ay hindi dapat gawin para ipamahagi sa lahat o ipagbili, dahil paglabag na ito sa mga batas ng karapatang-sipi.—Roma 13:1.
May ilang atas sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo na tema lamang ang ibinigay; walang inilaang reperensiya bilang mapagkukunang materyal. Makatutulong ba kung may maghahanda ng isang talaan ng mga reperensiya o magtitipon ng mapagkukunang materyal na magagamit ng mga nabigyan ng gayong atas? Hindi. At hindi rin tama na tipunin ang mga sagot sa mga tanong sa Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo para gamitin ng iba, dahil hindi ito makatutulong sa kanila na matandaan ang mahahalagang punto. Ang mga estudyante mismo ang dapat magsaliksik. Mahalagang pitak ito ng pagsasanay ni Jehova sa pamamagitan ng paaralan upang matulungan tayong magsalita gamit ang “dila ng mga naturuan.”—Isa. 50:4.