Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Abril 9
10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na panoorin ang drama sa DVD na pinamagatang Young People Ask—What Will I Do With My Life? bilang paghahanda sa pagtalakay rito sa susunod na linggo sa Pulong sa Paglilingkod. Banggitin ang kahong “Main Menu,” at ipaliwanag kung paano gagamitin ang DVD. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Abril 15 ng Bantayan at ang Abril ng Gumising!
15 min: “Gumawa ng Mabuti sa Lahat.” Pahayag ng isang elder. Iulat ang malaking bilang ng dumalo sa Memoryal noong Abril 2 at magmungkahi kung paano sila tutulungang dumalo nang regular. Kapag tinatalakay ang parapo 8, pasiglahin ang mga nag-auxiliary pioneer na pag-isipang ipagpatuloy ito, bilang mga regular auxiliary pioneer o bilang mga regular pioneer.
20 min: “Kung Paano Gagawing Pag-aaral sa Bibliya ang mga Nabigyan ng Magasin.”a Magkaroon ng maikling pagtatanghal ng isa sa mga mungkahi sa parapo 2. Ipaalaala sa mga mamamahayag na maaari nang iulat ang pag-aaral sa Bibliya kapag naidaos na ito nang dalawang beses matapos unang itanghal ang pag-aaral at kung may dahilang maniwala na magpapatuloy ang pag-aaral.
Awit 43 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 16
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Salitain ang Salita ng Diyos Nang Walang Takot.”b Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na komentuhan ang binanggit na mga kasulatan.
20 min: “Ano ang Gagawin Mo sa Iyong Buhay?—Bahagi 1.”c Pagkatapos ng maikling komento sa parapo 1-2, talakayin agad ang bawat tanong sa parapo 3-4. Kapag tinatalakay ang tanong 4 sa parapo 3, ipabasa ang dalawang teksto. Bilang konklusyon, repasuhin ang kahong “Main Menu.” Pasiglahin ang lahat na panoorin ang “Interviews” at “Supplementary Material” sa DVD bilang paghahanda sa pagtalakay rito sa susunod na linggo sa Pulong sa Paglilingkod. (Pansinin: Kung walang sinuman sa kongregasyon ang nakapanood ng DVD na ito, maaaring repasuhin ng elder na gaganap sa bahaging ito ang artikulo sa tagapakinig, na tinatalakay ang binanggit na mga teksto at nirerepaso ang mga puntong natutuhan mula sa drama noong 2005 tungkol kay Timoteo.)
Awit 207 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 23
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Mayo 1 ng Bantayan at Mayo ng Gumising!
15 min: “Maaaring Makibahagi ang Lahat sa Paggawa ng Bagong mga Alagad.”d Kapag tinatalakay ang parapo 4, anyayahang magkomento ang mga tagapakinig kung paano sila napasigla ng kanilang mga kakongregasyon bago sila nabautismuhan. Maaaring patiunang magsaayos ng isa o dalawang komento.
20 min: “Ano ang Gagawin Mo sa Iyong Buhay?—Bahagi 2.”e Talakayin agad ang bawat tanong sa parapo 5-7. Magtapos sa pamamagitan ng masiglang paghimok sa parapo 8. (Pansinin: Kung walang sinuman sa kongregasyon ang nakapanood ng DVD na ito, maaaring magbigay ng pahayag ang isang elder batay sa artikulo sa Mayo 1, 2004 ng Bantayan, pahina 13-17, na pinamagatang “Mga Kabataan, Naghahanda ba Kayo Para sa Kinabukasan?”)
Awit 172 at pansarang panalangin.
Linggo ng Abril 30
10 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Abril.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Kaya ba ng Inyong Anak na Gumawa ng Mabigat na Pasiya?”f Gagampanan ng isang elder. Pagkatapos talakayin ang parapo 2, paghambingin ang situwasyon ng dalawang kabataan na binanggit sa parapo 16-17 at sa kahon sa pahina 16-17 ng Hunyo 15, 1991, Bantayan. Bilang konklusyon, pasiglahin ang mga magulang na repasuhin kasama ng kanilang mga anak ang buong artikulong iyon sa Bantayan, habang inihahanda sila na ipahayag nang may katatagan ang kanilang mga paniniwala. Dapat tiyakin ng mga ulo ng pamilya na palaging may dalang DPA card ang bawat bautisadong anak at Identity Card naman ang bawat di-bautisadong anak.
Awit 44 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 7
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Mga Kaayusan Para sa mga Dako ng Pagsamba. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa kabanata 11 ng Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova.
20 min: “Kapag Walang Tao sa Bahay.”g Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod.
Awit 178 at pansarang panalangin.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
f Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
g Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.