Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Disyembre 10
15 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Disyembre 15 ng Bantayan at ang Disyembre ng Gumising! Talakayin ang “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Ipatalastas ang petsa ng susunod na pansirkitong asamblea kung mayroon na.
15 min: Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2008. Pahayag ng tagapangasiwa ng paaralan. Talakayin ang mga puntong kailangang idiin mula sa insert ng Nobyembre 2007 ng Ating Ministeryo sa Kaharian na angkop sa inyong kongregasyon. Repasuhin ang papel ng katulong na tagapayo. Pasiglahin ang lahat na maging masikap sa pagganap ng kanilang mga atas, sa pakikibahagi sa mga tampok na bahagi sa Bibliya, at sa pagkakapit ng mga mungkahing ibinibigay linggu-linggo mula sa Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
15 min: “Aliwin ang May Pusong Wasak.”a Maglahad ng isa o dalawang maiikling lokal na karanasan.
Linggo ng Disyembre 17
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Himukin ang lahat na panoorin ang video na Jehovah’s Witnesses—Organized to Share the Good News bilang paghahanda para sa talakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Disyembre 31. Talakayin ang “Bagong Programa ng Araw ng Pantanging Asamblea,” at ipatalastas ang petsa ng susunod na araw ng pantanging asamblea kung mayroon na.
15 min: “Dapat Nating Panatilihin ang Ating Sigasig sa Ministeryo.”b Kapanayamin ang isang mamamahayag na kilalang masigasig sa ministeryo. Mga tanong: Anu-anong pagsisikap ang ginawa mo upang mapanatili ang iyong sigasig? Ano ang nakatulong sa iyo na mapanatili ang iyong sigasig?
20 min: “Ialok ang mga Magasin na Nagpapatotoo sa Katotohanan.”c Pagkomentuhin ang mga tagapakinig salig sa Nobyembre 2006 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8. Pasiglahin silang basahin ang Enero 1 ng Bantayan at ang Enero ng Gumising! Sabihin sa kanila na dalhin ang mga ito sa pulong sa susunod na linggo.
Linggo ng Disyembre 24
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Banggitin ang alok na literatura sa Enero, at magkaroon ng isang angkop na pagtatanghal.
15 min: Maghanda Upang Ialok ang Bagong mga Magasin. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Enero 1 ng Bantayan at sa Enero ng Gumising! Pagkatapos ng maikling sumaryo ng bawat isyu, tanungin ang tagapakinig kung aling mga artikulo ang maaaring makatawag-pansin sa mga tao sa teritoryo at bakit. Anyayahan ang tagapakinig na magbigay ng mga mungkahi gamit ang ilang artikulo na balak nilang itampok. Ano ang maaari nating itanong upang mapasimulan ang isang pag-uusap? Aling teksto sa artikulo ang maaari nating basahin? Paano iuugnay sa artikulo ang teksto? Gamit ang mga presentasyon sa Ating Ministeryo sa Kaharian o presentasyong iminungkahi ng tagapakinig, itanghal kung paano iaalok ang bawat magasin.
20 min: “Gawin Mong Tunguhin na Makapagdaos ng Pag-aaral sa Bibliya.”d Kapanayamin ang isa o dalawa na nakapagpasimula kamakailan ng isang pag-aaral sa Bibliya. Paano napasimulan ang pag-aaral? Kumusta na ang pag-aaral?
Linggo ng Disyembre 31
5 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Disyembre.
15 min: Ang Nakapagpapakilos na Kapangyarihan ng Makadiyos na Debosyon. Nakapagpapasiglang pahayag salig sa Marso 1, 1990 ng Bantayan, pahina 22-3.
25 min: “Ang Pinakamalawak na Kampanya sa Pangangaral Kailanman!”e Anyayahan ang tagapakinig na magkomento tungkol sa positibong pagtugon ng mga kamag-anak, kakilala, mga dinadalaw-muli, at mga estudyante sa Bibliya nang mapanood ang video na Jehovah’s Witnesses—Organized to Share the Good News.
Linggo ng Enero 7
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: “Pagmamantini ng Ating mga Kingdom Hall.”f Idiin ang kahalagahan ng wastong pagmamantini ng Kingdom Hall. Ilakip ang maikling ulat tungkol sa kalagayan ng inyong Kingdom Hall, at banggitin ang mga plano sa paggawa ng kinakailangang mga pagkukumpuni.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
f Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.