Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Pebrero 11
10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Pebrero 1 ng Bantayan at ang Pebrero ng Gumising!
15 min: Maaari Ka Bang Maglingkod Kung Saan Mas Malaki ang Pangangailangan? Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Bantayan ng Hulyo 15, 2003, pahina 20. Banggitin ang mga komento mula sa aklat na Organisado, pahina 111, parapo 1, hanggang pahina 112, parapo 2. Kapanayamin sa maikli ang sinumang lumipat kung saan mas malaki ang pangangailangan. Anong mga hamon ang napaharap sa kanila, at paano nila napagtagumpayan ang mga ito? Anong mga pagpapala ang tinamasa nila?
20 min: Tulungan ang mga Baguhan na Sumulong Bilang mga Ministro. Pagkatapos ng pambungad na di-lalampas sa isang minuto, simulan ang tanong-sagot na pagtalakay sa Bantayan ng Disyembre 1, 2005, pahina 31, gamit ang inilaang mga tanong sa araling iyon. Matapos talakayin ang parapo 18, magkaroon ng isang pagtatanghal kung saan nagkaroon ng pagtutol ang maybahay sa baguhang mamamahayag na gumagawang kasama ng isang makaranasang mamamahayag. Hindi naging mabisa ang tugon ng baguhang mamamahayag, kaya tinapos na ng maybahay ang kanilang pag-uusap. Pagkaalis nila sa bahay, magiliw na pinapurihan ng makaranasang mamamahayag ang baguhan sa kaniyang pagsisikap at pagkatapos ay ipinakita sa kaniya kung paano maaaring gamitin ang aklat na Nangangatuwiran upang masagot niya ang gayunding pagtutol sa hinaharap.
Linggo ng Pebrero 18
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: “Isang Patotoo ng Matibay na Pananampalataya!”a Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Magtapos sa pamamagitan ng positibong pagrerepaso sa naisagawa ng inyong kongregasyon noong nakalipas na taon ng paglilingkod.
Linggo ng Pebrero 25
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Pebrero. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala. Itanghal kung paano gagamitin ang imbitasyon sa Memoryal upang anyayahan ang isang kapamilya o kapitbahay.
20 min: “Alalahanin ang Pantubos Nang May Pagpapahalaga.”b Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa binanggit na mga teksto.
15 min: Maghanda Upang Ialok ang Bagong mga Magasin. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Pagkatapos magbigay ng maikling sumaryo ng Marso 1 ng Bantayan at Marso ng Gumising!, tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang maaaring makatawag-pansin sa mga tao sa teritoryo at kung bakit. Anyayahan ang mga tagapakinig na bumanggit ng espesipikong mga punto sa mga artikulong balak nilang itampok. Ano ang maaaring itanong para makapagpasimula ng pag-uusap? Aling teksto sa artikulo ang maaaring basahin? Gamit ang mga mungkahi, itanghal kung paano iaalok ang Marso 1 ng Bantayan at ang Marso ng Gumising!
Linggo ng Marso 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang pangunahing mga punto sa kahong “Mga Paalaala sa Memoryal.”
20 min: Maaari Ka Bang Makapagpasimula ng Pag-aaral sa Bibliya sa Marso? Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Iaalok natin sa Marso ang aklat na Itinuturo ng Bibliya sa layuning makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Repasuhin ang ilan sa mga namumukod-tanging katangian ng aklat. Talakayin kung paano ito ihaharap kapag dumalaw-muli sa isang taong nagpakita ng interes nang bigyan natin siya ng imbitasyon sa Memoryal, kapag bumalik sa napag-iwanan natin ng magasin, at kapag inialok ito sa ministeryo sa bahay-bahay pagkalipas ng Marso 22. (Tingnan ang km 4/07 p. 4; km 3/06 p. 1, par. 3; km 1/06 p. 3-6.) Itanghal ang isa o dalawang presentasyon.
15 min: Gamitin ang Bibliya Kapag Sumasagot sa mga Tanong. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 143-4. Ilakip ang isang maikling pagtatanghal kung saan napaharap ang mamamahayag sa isang karaniwang tanong ng mga tao sa inyong teritoryo, at pagkatapos ay sinagot niya ito gamit ang Bibliya.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.