Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Hunyo 9
10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Hunyo 1 ng Bantayan at Hunyo ng Gumising!
20 min: Kung Paano Maghahanda Para Magdaos ng Isang Pag-aaral sa Bibliya. Pahayag batay sa Agosto 2004 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 1. Sa pagtatapos ng talakayan, magkaroon ng isang pagtatanghal kung saan makikita ang isang mamamahayag na dali-daling naghahanda para magdaos ng isang pag-aaral sa Bibliya. Pagkatapos itatanghal naman ang isang mamamahayag na naghahanda sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang kung paano niya maikakapit ang ilang mungkahi sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Mangaral Nang Walang Humpay.”a Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa nabanggit na mga teksto.
Linggo ng Hunyo 16
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipaalaala sa mga tagapakinig na dalhin ang Hulyo 1 ng Bantayan at Hulyo ng Gumising! sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo at maghandang talakayin ang angkop na mga presentasyong balak nilang gamitin.
15 min: Itampok ang Praktikal na Kahalagahan ng Mabuting Balita. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 159. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa mga problemang kasalukuyang ikinababahala ng mga tao sa inyong teritoryo. Humingi ng mga mungkahi kung paano lulutasin ang mga problemang iyon sa ating mga presentasyon.
20 min: “Naghahanda ba ang Inyong Pamilya Para sa Kaligtasan?”b Kung may panahon pa, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa nabanggit na mga teksto.
Linggo ng Hunyo 23
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Banggitin ang alok na literatura para sa Hulyo, at magkaroon ng isang pagtatanghal.
20 min: Isang Mas Makabuluhang Buhay Dahil sa Pagiging Regular Pioneer. Pahayag batay sa Enero 15, 2008 ng Bantayan, pahina 17-19. Kung maaari, kapanayamin ang dalawang regular pioneer, isang baguhan at isa na naglingkod na sa loob ng maraming taon. Ipalahad sa kanila kung paano sila nagkaroon ng mas makabuluhang buhay dahil sa pagpapayunir.
15 min: Maghanda Upang Ialok ang Bagong mga Magasin. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Pagkatapos banggitin ang isang maikling sumaryo ng Hulyo 1 ng Bantayan at ng Hulyo ng Gumising!, tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang maaaring maging kaakit-akit sa mga tao sa inyong teritoryo at kung bakit. Anyayahan ang mga tagapakinig na bumanggit ng espesipikong mga punto sa mga artikulong balak nilang itampok. Ano ang maaaring itanong para makapagpasimula ng pag-uusap? Aling teksto sa Kasulatan na nasa artikulo ang maaaring basahin? Gamit ang mga presentasyon mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian o isang presentasyong iminungkahi ng tagapakinig, itanghal kung paano maaaring ialok ang bawat magasin.
Linggo ng Hunyo 30
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod para sa Hunyo.
20 min: Kung Paano Mapasusulong ang Ating Kakayahang Makipag-usap. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, mula sa pahina 62, parapo 4, hanggang sa subtitulo sa pahina 65. Ikapit ang impormasyon sa inyong teritoryo. Kapanayamin sa maikli ang isang mamamahayag na kilala sa kaniyang kakayahang magpasimula ng mga pag-uusap kapag nangangaral sa bahay-bahay o kapag nagpapatotoo sa di-pormal na paraan.
15 min: Natatandaan Mo Ba? Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Abril 15, 2008 ng Bantayan, pahina 29.
Linggo ng Hulyo 7
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Kapag Iba ang Wika ng May-bahay.”c Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 2, banggitin kung anong mga grupo o kongregasyon na banyaga ang wika ang nangangaral sa teritoryo ng kongregasyon. Repasuhin ang anumang ginawang kaayusan para tulungan sa gawaing pangangaral ang mga grupo o kongregasyon na banyaga ang wika.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.