Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Nobyembre 10
10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang mga komento ng tagapangasiwa sa paglilingkod kung gaano na kalawak ang nasaklawan ninyo sa teritoryo ng inyong kongregasyon sa pamamahagi ng tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Repasuhin sa maikli ang mungkahing mga presentasyon para sa Nobyembre 1 ng Bantayan at Nobyembre ng Gumising! na nasa pahina 8.
15 min: Maging Maibigin at Bukas-Palad. Pahayag ng isang elder salig sa Bantayan, Nobyembre 15, 2008, pahina 6-7.
20 min: “Ibahagi Natin ang Ating Mahahalagang Kayamanan.”a Kapag tinatalakay ang parapo 2, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung anong partikular na katotohanan mula sa Bibliya ang nakaakay sa kanila sa organisasyon ni Jehova o higit nilang napahalagahan mula nang sila ay mabautismuhan.
Linggo ng Nobyembre 17
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: Pagtalakay sa “Tanong” na nasa pahina 7.b
20 min: “Maaari Kang Maging Isang Guro!”c Kapanayamin ang isang mamamahayag o isang payunir na dating nakadarama na wala siyang kakayahang magdaos ng pag-aaral sa Bibliya ngunit napagtagumpayan niya ito. Paano siya umasa sa tulong ni Jehova? Anong espesipikong mga tulong ang ibinigay sa kaniya ng organisasyon upang maging kuwalipikado siyang guro? Anu-anong pagpapala ang natanggap niya mula sa pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya?
Linggo ng Nobyembre 24
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Banggitin ang alok na literatura para sa Disyembre, at magkaroon ng isa o dalawang pagtatanghal kung paano ito iaalok.
20 min: Lokal na mga pangangailangan.
15 min: Maghanda Upang Ialok ang Disyembre 1 ng Bantayan at ang Disyembre ng Gumising! Magbigay ng maikling sumaryo ng mga magasin, at tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang mas makatatawag-pansin sa mga tao sa inyong teritoryo. Anong mga tanong at teksto ang maaaring gamitin para iharap ang mga artikulo? Ipakita kung paano maaaring gamitin ang mga presentasyon sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipatanghal sa isang elder ang isang maikling presentasyon na inihanda niya batay sa isang artikulo na babagay sa inyong teritoryo.
Linggo ng Disyembre 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Nobyembre.
15 min: Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2009. Tatalakayin ng tagapangasiwa ng paaralan sa mga tagapakinig ang bagong Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo gaya ng binabanggit sa “Mga Tagubilin” sa insert na Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Magtuon ng pansin sa mga pagbabagong ginawa sa paaralan. Pasiglahin ang lahat na maging masikap sa pagganap ng mga atas, sa paghahanda ng mga komento sa mga tampok na bahagi sa Bibliya, at sa pagkakapit ng ibinibigay na mga komento linggu-linggo ng tagapangasiwa ng paaralan salig sa Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
20 min: “Ihanda ang mga Baguhan na Harapin ang Pagsalansang.”d Kapag tinatalakay ang parapo 2, isaalang-alang sa maikli kung paano makatutulong sa mga estudyante sa Bibliya ang impormasyon sa aklat na Nangangatuwiran, sa ilalim ng paksang “Saksi ni Jehova,” upang masagot ang mga tanong ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
[Mga talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.