Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/08 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 8
  • Linggo ng Disyembre 15
  • Linggo ng Disyembre 22
  • Linggo ng Disyembre 29
  • Linggo ng Enero 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 12/08 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Disyembre 8

Awit 19

10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Ipatalastas ang petsa ng susunod na pansirkitong asamblea kung mayroon na. Repasuhin sa maikli ang mga mungkahing presentasyon para sa Disyembre 1 ng Bantayan at Disyembre ng Gumising! na nasa pahina 8. Anyayahan ang mga tagapakinig na nakapagpasakamay ng mga isyung ito na ilahad kung paano nila ito iniharap. Anong artikulo, tanong, at teksto ang ginamit nila?

15 min: Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2009. Pahayag ng tagapangasiwa ng paaralan. Talakayin ang mga puntong kailangang idiin mula sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Nobyembre 2008 na angkop sa inyong kongregasyon. Repasuhin ang papel ng katulong na tagapayo. Pasiglahin ang lahat na maging masikap sa pagganap ng kanilang mga atas, sa pagbibigay ng komento sa mga tampok na bahagi sa Bibliya, at sa pagkakapit ng mga mungkahing ibinibigay linggu-linggo mula sa aklat na Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.

20 min: “Ginagamit Mo ba ang Aklat na Nangangatuwiran?”a Kapag tinatalakay ang parapo 4, ipatanghal sa maikli sa isang payunir o sa ibang kuwalipikadong mamamahayag kung paano gagamitin ang aklat na Nangangatuwiran sa bahay-bahay upang masagot ang tanong na ‘Bakit hindi nagdiriwang ng Pasko ang mga Saksi ni Jehova?’

Awit 6

Linggo ng Disyembre 15

Awit 178

5 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

20 min: Namumunga ba ang Katotohanan sa Iyong mga Tinuturuan? Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa Bantayan ng Pebrero 1, 2005, pahina 28-30. Banggitin kung paanong ang aklat na Itinuturo ng Bibliya ay dinisenyo upang matulungan tayong malaman ang nasa puso ng isang estudyante. Isaalang-alang ang ilang halimbawa, gaya ng kabanata 1, parapo 19; kabanata 2, parapo 4; kabanata 3, parapo 24; at kabanata 4, parapo 18. Himukin ang lahat na gamitin ang mga bahaging ito ng aklat upang maabot ang puso ng mga estudyante.

20 min: “‘Lubusang Magpatotoo’—Sa Pamamagitan ng Pagpapatotoo sa mga Apartment.”b Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod o ng ibang elder. Ikapit sa inyong kongregasyon ang materyal. Halimbawa, kung ang inyong kongregasyon ay may teritoryo na mga pribadong subdibisyon na mahirap mapangaralan, maaaring gamitin ng kapatid na gaganap ng bahaging ito ang ilang simulain sa artikulo na makatutulong sa inyo.

Awit 157

Linggo ng Disyembre 22

Awit 75

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Talakayin ang “Bagong Programa ng Araw ng Pantanging Asamblea,” at ipatalastas ang petsa ng susunod na araw ng pantanging asamblea kung alam na ang petsa nito.

15 min: Maghanda Upang Ialok ang Enero 1 ng Bantayan at ang Enero ng Gumising! Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Matapos magbigay ng maikling sumaryo ng mga magasin, tanungin ang mga tagapakinig kung aling mga artikulo ang maaaring makatawag-pansin sa mga tao sa teritoryo at bakit. Gamit ang ilan sa mga artikulong ito, anyayahan ang mga tagapakinig na magbigay ng tanong na plano nilang gamitin upang mapasimulan ang isang pag-uusap, at ng teksto sa artikulo na kanilang babasahin bago ialok ang mga magasin. Bilang pagtatapos, itanghal kung paano iaalok ang bawat magasin gamit ang mungkahing mga presentasyon sa pahina 8 o iba pang presentasyon na angkop sa inyong teritoryo.

20 min: “Isang Espesyal na Araw Para sa Pag-aalok ng mga Pag-aaral sa Bibliya.”c Ipatalastas kung aling dulo ng sanlinggo sa Enero pinaplano ng inyong kongregasyon na pagtuunan ng pansin ang pag-aalok ng mga pag-aaral sa Bibliya. Repasuhin ang mga mungkahi sa parapo 3 at magkaroon ng isa o dalawang pagtatanghal na nagpapakita kung paano ito gagawin.

Awit 133

Linggo ng Disyembre 29

Awit 60

Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:

jd kab. 12 ¶1-10

Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:

Pagbabasa ng Bibliya: Apocalipsis 15-22

Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo

Pulong sa Paglilingkod:

Awit 153

5 min: Lokal na mga patalastas.

10 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Pagbibigay na Nagpaparangal kay Jehova.”d Ipakita kung paanong ang pagpapahalaga sa programa ng pagtatayo ng mga Kingdom Hall ay nag-uudyok sa isa na masayang magbigay. Ipaliwanag kung ano ang pinaplanong gawin ng inyong kongregasyon para madagdagan ang inyong pinansiyal na suporta sa programang ito sa 2009.

Awit 155

Linggo ng Enero 5

Awit 35

Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:

jd kab. 12 ¶11-22

Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:

Pagbabasa ng Bibliya: Genesis 1-5

Blg. 1: Genesis 3:1-15

Blg. 2: Kung Bakit si Jesus ay Isang Dakilang Guro (lr kab. 1)

Blg. 3: Ano ang May Kabuluhan? (1 Cor. 15:58)

Pulong sa Paglilingkod:

Awit 98

5 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Tularan ang Saloobin ni Jesus sa Ministeryo. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa aklat na “Halika Maging Tagasunod Kita,” pahina 84-86, parapo 16-21.

15 min: “Bakit Dapat Magpasalamat?” Pahayag ng isang elder salig sa artikulo ng Bantayan ng Agosto 1, 2008, pahina 13-15.

Awit 114

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share