Iskedyul Para sa Linggo ng Pebrero 14
LINGGO NG PEBRERO 14
Awit 72 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cf kab. 17 ¶16-20, kahon sa p. 181 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Nehemias 9-11 (10 min.)
Blg. 1: Nehemias 11:1-14 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Ipinahihiwatig ba ng Mateo 1:23 na si Jesus ay Diyos Nang Siya’y Nasa Lupa?—rs p. 202 ¶4–p. 203 ¶2 (5 min.)
Blg. 3: Mga Paraan Kung Paano Ipinamamalas ng Diyos ang Di-sana-nararapat na Kabaitan—1 Ped. 4:10 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga patalastas.
12 min: Kung Paano Makikipag-usap sa mga Estranghero. Pagtalakay salig sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 62-64. Interbyuhin sa maikli ang isang mamamahayag na kilalang mahusay magpasimula ng pag-uusap kapag nagpapatotoo nang di-pormal o nagbabahay-bahay.
18 min: “Panahon ng Memoryal—Pagkakataon Para sa Pinag-ibayong Gawain!” Tanong-sagot na pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Sa pagtatapos, banggitin ang lokal na mga kaayusan sa pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan sa Marso, Abril, at Mayo. Magmungkahi ng iba’t ibang iskedyul para maaabot ang 50 oras bawat buwan sa ministeryo. Interbyuhin ang dalawa o tatlong mamamahayag na nag-auxiliary pioneer noong panahon ng Memoryal ng nakaraang taon kahit abala sila o may pisikal na limitasyon.
Awit 8 at Panalangin