Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Enero 1
Basahin ang Genesis 2:16, 17. Saka sabihin: “Ang sabi ng ilan, alam na raw patiuna ng Diyos na magkakasala si Adan. Ang sabi naman ng iba, magiging panlilinlang lang ang babala ng Diyos kung alam na niya patiuna ang magiging resulta. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng artikulo mula pahina 13 kung paano ginagamit ng Diyos ang kakayahan niyang alamin ang hinaharap.”
Gumising! Enero
“Iniisip ng ilan na ang relihiyosong paniniwala ay mas nakasalig sa damdamin kaysa sa matinong pangangatuwiran. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Ayon sa Bibliya, ang relihiyosong paniniwala ay hindi dapat pagbubulag-bulagan sa katotohanan. [Basahin ang 1 Juan 4:1.] Ipinaliliwanag ng artikulo mula pahina 28 kung paano natin matitiyak na matibay na nakasalig sa pangangatuwiran ang ating pananampalataya.”
Ang Bantayan Pebrero 1
“Pangkaraniwan na lamang ngayon ang diborsiyo. Ano sa palagay mo ang pangunahing dahilan nito? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang payong ito na nakatulong sa maraming mag-asawa. [Basahin ang 1 Corinto 10:24.] Tinatalakay ng magasing ito ang anim sa karaniwang reklamo ng mag-asawa at ipinakikita nito kung paano makatutulong ang pagkakapit sa mga simulain ng Bibliya.”
Gumising! Pebrero
“Dumarami ang nagiging interesado tungkol sa mga bampira, mangkukulam, at manggagaway. Sa palagay mo, wala kayang masama sa okultismo? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang babalang ito ng Diyos sa sinaunang Israel. [Basahin ang Deuteronomio 18:10-12.] Tinatalakay ng magasing ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa okultismo.”