Iskedyul Para sa Linggo ng Pebrero 21
LINGGO NG PEBRERO 21
Awit 97 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cf kab. 18 ¶1-9 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Nehemias 12-13 (10 min.)
Blg. 1: Nehemias 13:15-22 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kung Ano ang Ibig Sabihin ng Pagbibigay sa Diyos na Jehova ng Bukod-Tanging Debosyon—Ex. 20:5 (5 min.)
Blg. 3: Ano ang Kahulugan ng Juan 5:18?—rs p. 203 ¶3-4 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga patalastas.
10 min: Hindi Iiwan ni Jehova ang Kaniyang mga Matapat. (Awit 37:28) Pagtalakay salig sa 2010 Taunang Aklat, pahina 149, parapo 2, hanggang pahina 150, parapo 4; at pahina 175, parapo 2, hanggang pahina 179, parapo 5, hindi kasama ang talâ ng mahahalagang pangyayari. Matapos talakayin ang bawat karanasan, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento tungkol sa mga natutuhan nila.
10 min: Mabibisang Konklusyon sa Ministeryo sa Larangan. Pahayag salig sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 221, parapo 5, hanggang sa dulo ng pahina 222. Ipatanghal sa maikli ang isa o dalawang punto mula sa materyal.
10 min: “‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos.’” Tanong-sagot.
Awit 31 at Panalangin