Iskedyul Para sa Linggo ng Oktubre 10
LINGGO NG OKTUBRE 10
Awit 44 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 11 ¶1-4, kahon sa p. 84, 86-87 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Kawikaan 7-11 (10 min.)
Blg. 1: Kawikaan 8:1-21 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kung May Magsasabi: “Hindi Darating sa Panahon Ko ang Kaharian ng Diyos”—rs p. 95 ¶2-3 (5 min.)
Blg. 3: Kung Bakit Sinasabi ng Kasulatan na Huwag “Lubhang Magpakamatuwid”—Ecles. 7:16 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga patalastas.
15 min: Sinubukan Mo Na Ba? Pagtalakay. Sa pamamagitan ng isang pahayag, repasuhin sandali ang mga impormasyon mula sa mga artikulo sa Ating Ministeryo sa Kaharian: “Puwede Ka Bang Lumabas sa Larangan Tuwing Linggo?” (km 5/11) at “Mabisang Pagpapatotoo sa Lansangan” (km 6/11). Pagkomentuhin ang mga tagapakinig kung paano nila ginamit ang mga mungkahi sa mga artikulong ito at ano ang magandang resulta.
15 min: “Tulungan ang May-bahay na Mangatuwiran.” Tanong-sagot. Matapos talakayin ang parapo 3, magkaroon ng dalawang pagtatanghal. Una, sasagutin ng mamamahayag sa dogmatikong paraan ang isang karaniwang tanong o pagtutol. Ikalawa, sasagutin niya ang gayunding pagtutol sa pamamagitan ng pangangatuwiran.
Awit 102 at Panalangin