Iskedyul Para sa Linggo ng Oktubre 31
LINGGO NG OKTUBRE 31
Awit 104 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
bt kab. 12 ¶1-8, kahon sa p. 96 (25 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Kawikaan 22-26 (10 min.)
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo (20 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga patalastas. “Ano ang Hitsura ng Iyong Literatura?” Pahayag. Pagkatapos ng pahayag, gamitin ang sampol na presentasyon sa pahina 8 para maitanghal kung paano makapagpapasimula ng pag-aaral sa unang Sabado ng Nobyembre.
15 min: Ang Kahalagahan ng Maayos na Personal na Hitsura sa Ministeryo. Pagtalakay ng isang elder batay sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 131-134.
10 min: Maghanda Para sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Nobyembre. Pagtalakay. Gumamit ng isa o dalawang minuto para itampok ang ilang artikulong maaaring magustuhan sa inyong teritoryo. Pagkatapos, anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng magagandang tanong at tekstong ipababasa para sa seryeng itinatampok sa pabalat ng Ang Bantayan. Gayon din ang gawin sa seryeng itinatampok sa pabalat ng Gumising! at, kung may oras pa, sa isa pang artikulo. Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
Awit 90 at Panalangin