Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/12 p. 4
  • Young People Ask—How Can I Make Real Friends?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Young People Ask—How Can I Make Real Friends?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Masiglang Pagtugon!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Isang Video na Dapat Pag-isipang Mabuti
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Piliing Mabuti ang mga Kaibigan Mo
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Puwede Kang Maging Kaibigan ni Jehova
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
km 10/12 p. 4

Young People Ask​—How Can I Make Real Friends?

Dinisenyo ni Jehova ang mga tao para makihalubilo sa iba at makipagkaibigan. (Kaw. 17:17; 18:1, 24) Para maging kapaki-pakinabang ang mga samahang ito, dapat na maingat nating piliin ang ating mga kaibigan. (Kaw. 13:20) Matapos panoorin ang video na Young People Ask​—How Can I Make Real Friends?, masasagot mo ba ang sumusunod na mga tanong?

Introduksyon:

(1) Ano ang isang tunay na kaibigan?

Mga Hadlang sa Pakikipagkaibigan:

(2) Paano mapagtatagumpayan ang pagkadama na tayo ay napag-iiwanan? (Fil. 2:4) (3) Bakit dapat tayong maghangad na mapasulong ang ating personalidad, at sino ang makatutulong sa atin na gawin ito? (2 Cor. 13:11) (4) Paano tayo makapagbubukas ng mga pagkakataon upang magkaroon ng mas maraming kaibigan?​—2 Cor. 6:13.

Pakikipagkaibigan sa Diyos:

(5) Paano tayo magkakaroon ng mas malapít na kaugnayan kay Jehova, at bakit sulit ang pagsisikap? (Awit 34:8) (6) Kapag ginawa nating matalik na kaibigan si Jehova, magkakaroon tayo ng anong kapaki-pakinabang na mga pakikipagkaibigan sa mga tao?

Maling Uri ng mga Kaibigan:

(7) Sino ang masasamang kasama? (1 Cor. 15:33) (8) Paanong ang maling uri ng mga kaibigan ay sisira sa kaugnayan ng isa kay Jehova?

Makabagong-Panahong Drama:

(9) Ano ang itinuturo sa atin ng ulat ng Bibliya tungkol kay Dina? (Gen. 34:1, 2, 7, 19) (10) Paano binigyang-katuwiran ni Tara ang pakikisama sa mga kabataang hindi sumasamba kay Jehova? (11) Sa anong mga panganib inilantad si Tara ng kaniyang mga kaibigan sa paaralan? (12) Bakit hindi nakita ng mga magulang ni Tara ang panganib na pinasok niya, subalit paano nila binago ang kanilang saloobin upang matulungan siyang makapanumbalik sa espirituwal? (13) Paano napatunayang tunay na kaibigan ni Tara ang isang sister na payunir? (14) Anong aral ang natutuhan ni Tara?

Konklusyon:

(15) Anu-anong aral ang natutuhan mo sa video na ito? (16) Paano mo magagamit ang video na ito sa pagtulong sa iba?

Pumili nawa tayo ng mga kaibigang tutulong sa atin na mapanatili ang pinakamabuting pakikipagkaibigan​—ang pakikipagkaibigan sa Diyos!​—Awit 15:1, 4; Isa. 41:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share