Iskedyul Para sa Linggo ng Disyembre 24
LINGGO NG DISYEMBRE 24
Awit 5 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jr kab. 3 ¶1-6 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Zacarias 9-14 (10 min.)
Blg. 1: Zacarias 11:1-13 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kaninong mga Panalangin ang Diringgin ng Diyos?—rs p. 317 ¶1–p. 318 ¶1 (5 min.)
Blg. 3: Sa Anu-anong Kalagayan Maaari Nating Ikapit ang Kawikaan 15:1? (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
30 min: Paano Gagamitin ang Ating Opisyal na Web Site? Pagtalakay sa pahina 3-6. Kapag tinatalakay ang pahina 4, magkaroon ng tatlong-minutong pagtatanghal. Isang pamilya ang patapos na sa kanilang gabi ng Pampamilyang Pagsamba. Magtatanong ang ama kung ano ang maaari nilang pag-aralan sa susunod na linggo, at pipiliin ng mga anak ang mga paksang gusto nila sa seksiyon na “Tin-edyer” sa Web site. Tanungin ang mga tagapakinig kung paano nila ginamit, o planong gamitin, ang jw.org sa kanilang personal at pampamilyang pag-aaral. Kapag tinatalakay ang pahina 5, magkaroon ng tatlong-minutong pagtatanghal. Sasagutin ng mamamahayag ang tanong ng may-bahay tungkol sa ating mga paniniwala gamit ang kaniyang mobile device na may access sa ating Web site. Kapag tinatalakay ang pahina 6, magkaroon ng apat-na-minutong pagtatanghal. Kausap ng isang mamamahayag ang taong interesado na mas gustong magbasa sa ibang wika. Gagamitin ng mamamahayag ang kaniyang mobile device o ang computer ng may-bahay para ipakita ang isang Web page ng tract na Malaman ang Katotohanan o ng aklat na Itinuturo ng Bibliya sa wika ng may-bahay, at tatalakayin nila ito. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano nila ginamit ang jw.org sa ministeryo.
Awit 101 at Panalangin