Iskedyul Para sa Linggo ng Nobyembre 4
LINGGO NG NOBYEMBRE 4
Awit 116 at Panalangin
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
jl Aralin 3-4 (30 min.)
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Tito 1-3–Filemon 1-25 (10 min.)
Blg. 1: Tito 2:1-15 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Kailangan Bang Maging Kasapi sa Isang Organisadong Relihiyon?—rs p. 363 ¶3–p. 364 ¶2 (5 min.)
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Tayo Dapat ‘Magbigay-Pansin sa mga Kuwentong Di-totoo’—1 Tim. 1:3, 4; 2 Tim. 4:3, 4 (5 min.)
□ Pulong sa Paglilingkod:
10 min: Mga Mungkahi sa Pag-aalok ng mga Magasin sa Nobyembre. Pagtalakay. Sa loob ng 30 hanggang 60 segundo, banggitin kung bakit magugustuhan ang mga magasin sa inyong teritoryo. Pagkatapos, gamit ang tampok na paksa sa Ang Bantayan, anyayahan ang mga tagapakinig na magmungkahi ng maikling introduksyon na may kasamang tanong na pupukaw sa interes ng may-bahay. Pagkatapos, anyayahan naman silang magmungkahi ng tekstong babasahin. Gayundin ang gawin sa Gumising! Ipatanghal kung paano maaaring ialok ang bawat isyu.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
10 min: Ang Salita ng Diyos ay May Lakas. (Heb. 4:12) Pagtalakay batay sa 2013 Taunang Aklat, pahina 57, parapo 1, hanggang pahina 60, parapo 1. Tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang natutuhan nila.
Awit 114 at Panalangin