Sampol na Presentasyon
Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Nobyembre
“Mayroon lang kaming maikling pagdalaw sa inyo ngayon. Marami sa mga taong nakakausap namin ang umaasang pupunta sila sa langit pagkamatay nila. Iyan din ba ang inaasahan mo? [Hayaang sumagot.] Nagustuhan ko ang artikulong ito. Ang sabi, ‘Sino ang mapupunta sa langit, at bakit?’” Ipakita ang huling pahina ng Nobyembre 1 ng Bantayan, at basahin ang unang parapo at ang binanggit na teksto. Kapag nagpakita ng interes, talakayin ang ikalawang parapo. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Nobyembre 1
“May narinig ka na bang kasinungalingang ipinaparatang sa Diyos? [Hayaang sumagot.] Ayon sa Bibliya, gusto ng Diyos na ibigin siya at pagkatiwalaan ng mga tao. [Basahin ang Isaias 41:13.] Tinatalakay sa magasing ito ang tatlong karaniwang kasinungalingan tungkol sa Diyos na naging dahilan kung kaya nahihirapan ang ilan na maging malapít sa kaniya.”
Gumising! Nobyembre
“Marami ang nababahala dahil parang gumuguho na ang mga pamantayang moral ng tao. Sa palagay mo, ibinaba kaya ng lipunan ang pamantayan nito sa moral? [Hayaang sumagot.] Inihula ng Bibliya na magbabago ang saloobin at ugali ng mga tao. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5.] Tinatalakay sa magasing ito kung bakit tayo makapagtitiwala sa mga pamantayang moral ng Bibliya.”