Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/14 p. 4
  • Sampol na Presentasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sampol na Presentasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
km 3/14 p. 4

Sampol na Presentasyon

Para sa Kampanya ng Pamamahagi ng Imbitasyon sa Memoryal

“Namamahagi kami ng imbitasyon para sa isang napakahalagang okasyon. Sa Abril 14, milyon-milyon sa buong mundo ang magtitipon-tipon para alalahanin ang kamatayan ni Jesu-Kristo at makapakinig ng isang libreng pahayag sa Bibliya tungkol sa pakinabang natin dito. Nasa imbitasyon ang oras at lugar ng pagtitipon na pinakamalapit sa inyo.”

Ang Bantayan Abril 1

“Dumadalaw kami para ipakipag-usap ang tungkol sa isang bagay na ginagawa ng halos lahat ng tao anuman ang kanilang relihiyon​—ang pagdarasal. Sa tingin mo, talaga kayang sinasagot ng Diyos ang mga dasal natin o nakapagpapagaan lang ito ng pakiramdam? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagdarasal. [Basahin ang 1 Juan 5:14.] Ipinaliliwanag sa magasing ito kung paano tayo makikinabang sa pagdarasal.”

Gumising! Abril

“Narito kami para magbigay ng tulong sa isang problema na nagiging pangkaraniwan na lang ngayon. May mga tao kasing nakakaisip na magpakamatay dahil sa dami ng problema. Kapag naiisip ng isa na magpakamatay, sa tingin mo ba, gusto niya talagang mamatay o gusto lang niyang makatakas sa problema? [Hayaang sumagot.] Ito ang isang pangako sa Bibliya na nakatulong sa marami na manatiling positibo. [Basahin ang Apocalipsis 21:3, 4.] Tinatalakay sa magasing ito ang tatlong dahilan para magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga problema.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share