Iskedyul Para sa Linggo ng Disyembre 22
LINGGO NG DISYEMBRE 22
Awit 15 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 17 ¶17-23, kahon sa p. 177 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Josue 9-11 (10 min.)
Blg. 1: Josue 9:16-27 (4 min. o mas maikli)
Blg. 2: Walang Espiritung Bahagi ng Tao na Patuloy na Nabubuhay Pagkamatay—rs p. 160 ¶6–p. 161 ¶3 (5 min.)
Blg. 3: Pagmamahal—Panatilihin ang Mainit at Personal na Pagkagiliw kay Jehova at sa mga Nagmamahal sa Kaniya—it-2 p. 681-682 ¶1 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
Tema: Maglabas ng “mabubuting bagay” mula sa mabuting kayamanang ipinagkatiwala sa atin.—Mat. 12:35a.
5 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: “Tinutulungan Tayo ng 2015 Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo na Mapahusay ang Ating Pagtuturo.” Pagtalakay ng tagapangasiwa ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Maaaring ipabasa ang ilang parapo bago talakayin. Idiin ang mga pagbabago sa Atas Blg. 1, sa itinakdang oras sa mga Tampok na Bahagi sa Bibliya, at sa payo ng tagapangasiwa ng paaralan. Ipabasa ang parapo 7, at pagkatapos talakayin, magkaroon ng isang pagtatanghal kung saan isang elder ang nagdaraos ng pampamilyang pag-aaral sa kaniyang mag-ina gamit ang materyal sa pahina 18 ng New World Translation. Pasiglahin ang lahat na samantalahin ang napakahusay na pagsasanay na inilalaan sa Paaralang Teokratiko at na gamiting mabuti ang aklat na Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
Awit 117 at Panalangin