Bakit Dapat Maging “Masigasig sa Maiinam na Gawa”?
Masigasig ka ba sa maiinam na gawa? Bilang mamamahayag ng Kaharian, nasa atin ang lahat ng dahilan para maging masigasig. Bakit? Tingnan natin ang Tito 2:11-14:
Talata 11: Ano ang “di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos,” at paano tayo personal na nakikinabang dito?—Roma 3:23, 24.
Talata 12: Paano tayo tinuturuan ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos?
Talata 13 at 14: Ngayong nilinis na tayo, anong pag-asa ang taglay natin? At sa anong mas dakilang layunin tayo nilinis mula sa masasamang gawain ng sanlibutan?
Paano ka pinasisigla ng mga talatang iyan para maging masigasig sa maiinam na gawa?