Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapatotoo sa Intercom
Kung Bakit Mahalaga: Baka nga natatakot tayong magpatotoo sa intercom. Pero maiiwasan nating pahinain nito ang ating sigasig para sa mabubuting gawa. Paano? Tandaan natin na baka ang pagpapatotoo sa intercom ang tanging paraan para mapaabutan ng mabuting balita ang ilang tao. (Roma 10:14) Ipinakikita sa karanasan na puwede tayong makapagbigay ng mabisang patotoo sa ganitong paraan. (Tingnan ang 2011 Taunang Aklat, p. 65-66, at ang 2000 Taunang Aklat, p. 54, par. 3.) Tingnan ang sumusunod na mga mungkahi.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Sa pampamilyang pagsamba, praktisin ang pagpapatotoo sa intercom. Gawin ito nang magkatalikod.