PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapatotoo sa Telepono
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Mahalagang paraan ito para ‘lubusang makapagpatotoo tungkol sa mabuting balita.’ (Gaw 20:24)a Makakapagpatotoo pa rin tayo sa mga tao kahit hindi natin sila mapupuntahan.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Maghanda. Pumili ng angkop na paksa. Pagkatapos, gumawa ng outline ng sasabihin mo. Puwede ka ring maghanda ng maikling paliwanag kung bakit ka tumatawag sakaling answering machine ang sumagot. Makakabuting umupo sa harap ng mesa at ilagay rito ang outline at iba pang kakailanganin mo, gaya ng gadyet na nakabukas na ang JW Library® o jw.org®
Maging relaks. Magsalita nang natural. Ngumiti at kumumpas na parang nakikita ka ng kausap mo. Iwasan ang paputol-putol na pagsasalita. Makakabuti kung may kasama ka. Kung may tanong ang kausap mo, ulitin ito nang malakas para matulungan ka ng partner mo na mahanap ang sagot
Maglatag ng pundasyon para sa pagdalaw-muli. Kapag interesado ang kausap, mag-iwan ng tanong na sasagutin sa susunod na pagtawag mo. Puwede mong itanong kung okey lang na mag-mail o mag-e-mail sa kaniya ng literatura o dalhin ito sa bahay niya. Puwede mo ring itanong kung puwede mong i-text o i-e-mail sa kaniya ang isa nating video o artikulo. Kung angkop, sabihin ang iba pang nasa website natin
a Kung ang pagpapatotoo sa telepono ay tinatanggap sa inyong lugar, dapat na kaayon ito ng batas tungkol sa personal data.