Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/01 p. 5-6
  • Matagumpay na Pagpapatotoo sa Telepono

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matagumpay na Pagpapatotoo sa Telepono
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Subukan ang Pagpapatotoo sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Pintuan at sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Mga Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Tulong Para sa Pagpapatotoo sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 2/01 p. 5-6

Matagumpay na Pagpapatotoo sa Telepono

1 Ang ating tunguhin bilang mga Saksi ni Jehova ay hindi lamang basta makibahagi sa pangangaral ng mabuting balita kundi upang paabutan din hangga’t maaari ang bawat isa ng mensahe ng Kaharian. (Gawa 10:​42; 20:24) Bagaman ang gawaing pagbabahay-bahay ay nagpapatuloy bilang pangunahing paraan upang maabot ang mga tao, nalalaman natin na hindi lamang sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraang ito masusumpungan natin ang lahat. Kaya upang ‘lubusang maganap ang ating ministeryo,’ tayo ay gumagamit ng iba pang pamamaraan​—lakip na ang pagpapatotoo sa telepono​—upang masumpungan ang tulad-tupang mga indibiduwal.​—2 Tim. 4:5.

2 Sa maraming dako, ang mga tao ay nakatira sa mga apartment na may mahigpit na seguridad, mga gusali na kinaroroonan ng maraming pamilya, o mga komunidad na may guwardiya ang mga tarangkahan, kung saan mahirap maisagawa ang ating karaniwang paraan ng pagbabahay-bahay para maabot ang mga tao. Gayunman, maraming mamamahayag ang nagkakaroon ng malaking tagumpay sa pag-abot sa mga taong ito sa pamamagitan ng telepono. Bagaman hindi magagawa ito nang madali dito sa Pilipinas, maaari namang makakuha ng mga numero ng telepono mula sa direktoryo ng telepono para sa mga direksiyon na nasa loob ng teritoryo ng inyong kongregasyon. Gayundin, marami sa nakikibahagi sa pagpapatotoo sa lansangan, sa mga parke, o sa mga shopping mall ang nakakakuha ng mga numero ng telepono ng mga nakakausap nila.

3 Nag-aatubili ka bang ilakip sa iyong ministeryo ang pagpapatotoo sa telepono? Inamin ng isang kapatid na lalaki: “Hindi ko gustong may tumatawag sa akin sa tahanan upang pagbilhan ako ng anuman, kaya tutol ang aking isip sa ganitong uri ng pagpapatotoo.” Gayunman, pagkatapos na gumawa ng dalawa lamang na pagtawag sa telepono, sinabi niya: “Gusto ko ito! Hindi ko kailanman inisip na mangyayari iyon, subalit gusto ko ito! Ang mga tao ay panatag sa telepono, at madali mong makuha ang lahat ng kailangan mo. Napakabisa nito!” Isang sister ang nagkaroon ng gayunding reaksiyon: “Tunay na hindi ako natutuwa sa pagpapatotoo sa telepono. Para sabihin sa inyo nang tapatan, hindi ko gustong gawin iyon. Subalit sinubukan ko ito at nasumpungan ko itong lubhang mabunga. Mayroon akong 37 pagdalaw-muli mula sa pagpapatotoo sa telepono at higit pang mga pag-aaral kaysa mapangangalagaan ko!” Kung nais mong subukan ang pagpapatotoo sa telepono, maaari ka ring magtagumpay.

4 Pag-oorganisa Para sa Pagpapatotoo sa Telepono: Ang gawaing pagpapatotoo ng kongregasyon ay nasa ilalim ng superbisyon ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Depende sa pangangailangan, maaaring atasan ng lupon ng matatanda ang isa pang matanda o isang kuwalipikadong ministeryal na lingkod na gumawang mabuti kasama niya sa pag-oorganisa ng pagpapatotoo sa telepono.

5 Saan mo makukuha ang mga numero ng telepono? Kung mayroong sariling listahan ng telepono ang isang grupo ng mga tahanan na may mahigpit na seguridad, kaypala’y doon mo makukuha ang mga numero. Kung hindi, maaaring posibleng kopyahin ang mga pangalan ng mga naninirahan mula sa direktoryo sa bulwagang hintayan at hanapin ang mga ito sa isang karaniwang direktoryo ng telepono.

6 Kapag nagpapastol ang matatanda sa mga may kapansanan o may sakit, maaari silang maging alisto na pasiglahin ang mga ito na makibahagi sa pagpapatotoo sa telepono. Marahil ay gagawa ng ilang pagtawag ang matanda habang nagmamasid ang mamamahayag. Pagkatapos ang mamamahayag naman ang maaaring magkaroon ng pagkakataong tumawag. Ang karamihan sa nagpasimula sa ganitong paraan ay gumugugol nang ilang minuto bawat araw sa gawaing ito, at tunay na nagustuhan nila ito.

7 Mga Mungkahi Ukol sa Tagumpay: Nang isinugo ni Jesus ang kaniyang mga alagad upang mangaral, “isinugo sila nang dala-dalawa.” (Luc. 10:1) Bakit? Batid niya na sa paggawang magkasama sila’y matututo at makapagpapatibayan sa isa’t isa. Ang gayon ay totoo rin sa pagpapatotoo sa telepono. Sa pamamagitan ng paggawang magkasama, matututo kayo sa isa’t isa, mapag-uusapan ang mga naging resulta, at makapagbibigay ng mga mungkahi para sa susunod na pakikipag-usap. Kahit na sa panahon ng pakikipag-usap sa telepono, maaari kayong magtulungan sa paghahanap ng angkop na impormasyon.

8 Upang magkaroon ng malinaw na pag-iisip at pagtutuon ng pansin, maupo kung saan maaari mong mailapag ang iyong mga gamit sa pagpapatotoo​—Bibliya, aklat na Nangangatuwiran, brosyur na Hinihiling, mga magasin, at iba pa​—sa harapan mo. Isulat ang ilang presentasyon, at ilagay kung saan mo makikita ang mga ito. Maging handang mag-ingat ng tumpak at kumpletong mga rekord, lakip na ang petsa at oras ng araw upang malaman mo kung kailan masusubaybayan ang nasumpungang interes.

9 Ang mga tao ay kadalasang nag-iingat kapag nakaririnig ng di-kilalang boses sa telepono. Kaya maging masigla, palakaibigan, at mataktika. Sa pamamagitan ng tunog lamang ng iyong boses inaalam ng maybahay ang iyong katangian at kataimtiman. Maging panatag at magsalita mula sa iyong puso. Magsalita nang marahan at maliwanag at nang may sapat na lakas ng tinig upang marinig. Bigyan ng pagkakataong magsalita ang maybahay. Gamitin ang buong pangalan mo, at sabihing ikaw ay tagaroon din. Ayaw nating isipin ng mga tao na tayo ay mga nagtitinda sa pamamagitan ng telepono. Sa halip na sabihing ikaw ay tumatawag sa lahat ng mga naninirahan sa isang partikular na gusali o grupo ng mga tahanan, gawing personal ang pagtawag mo.

10 Mga Presentasyon sa Telepono: Maraming pambungad sa pahina 9-15 ng aklat na Nangangatuwiran ang maaaring ibagay sa pagpapatotoo sa telepono. Maaari mong sabihin: “Tumatawag ako sa inyo sa telepono dahil sa hindi ako makapariyan upang makita kayo nang personal. Ang layunin ng aking pagtawag ay upang hilingin ang inyong opinyon sa isang napakagandang tanong.” Pagkatapos ay iharap ang tanong.

11 Ang unang presentasyon sa ilalim ng uluhang “Krimen/Kapanatagan” ay magagamit sa ganitong paraan: “Kumusta kayo. Ang pangalan ko’y ․․․․․․․․. Tagarito rin ako. Nais kong tiyakin sa inyo na hindi ako nagtitinda ng anuman o nagsasagawa ng isang surbey. Ako ay tumatawag dahil sa ikinababahala ko ang tungkol sa personal na kapanatagan. Napakaraming krimen sa palibot natin, at ito ay nakaaapekto sa ating buhay. Sa inyo bang palagay ay darating ang panahon na ang lahat ng tao ay makapaglalakad sa lansangan kung gabi at makadarama ng kapanatagan? [Hayaang sumagot.] Pahintulutan ninyong basahin ko kung ano ang ipinangakong gagawin ng Diyos.”

12 Ang paggamit ng tuwirang paglapit upang mag-alok ng mga pag-aaral sa Bibliya sa pamamagitan ng telepono ay nagkakaroon ng mabubuting resulta. Ang pag-aaral ay maitatanghal sa loob ng ilang minuto lamang. Imungkahi sa indibiduwal na dadalaw ka sa kaniyang tahanan upang maipagpatuloy ang pag-aaral, o kung siya ay atubili, imungkahi na ipagpatuloy ang pag-aaral sa telepono sa susunod na araw.

13 Kapag tinatapos mo na ang pag-uusap, isaisip ang bagay na aakay sa pagdalaw mo sa tao sa kaniyang tahanan o sa pagpapadala ng isang literatura sa koreo. Kung nag-aatubili ang tao sa pagbibigay sa iyo ng kaniyang direksiyon, imungkahi na tatawag kang muli sa telepono. Maaaring mangailangan ng ilang pagtawag bago siya maging lubusang palagay upang anyayahan ka sa kaniyang tahanan.

14 Pagkukusa: Pinasimulan ng isang 15-taóng gulang na sister ang kaniyang pang-umagang paglilingkod sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono. Nakausap niya ang isang babae na sang-ayong tumanggap ng isang aklat na Kaalaman. Nang dalhin ng sister ang aklat sa kaniyang tahanan, nais malaman ng babae kung paano nalaman ng kabataang sister ang numero ng kaniyang telepono, yamang wala ito sa listahan. Nagkamali pala ang sister sa pag-dial nito. Tinanggap ng babae ang isang pag-aaral at ngayon ay isa nang di-bautisadong mamamahayag.

15 Isang sister ang nagkaroon ng isang teritoryo ng mga telepono subalit hindi ito ginagawa sa loob ng tatlong linggo dahil sa takot. Ano ang nagbigay sa kaniya ng tibay ng loob upang magpasimula? Naalaala niya ang artikulo sa Gumising! ng Enero 22, 1997, na pinamagatang “Kapag Ako ay Mahina, sa Gayon ay Makapangyarihan Ako.” Iyon ay tungkol sa isang Saksing babae na nangangaral sa pamamagitan ng telepono sa kabila ng pisikal na mga limitasyon. Sinabi ng sister: “Ako ay nanalangin kay Jehova at humingi ng lakas. Hiniling ko sa kaniya na ipagkaloob sa akin ang wastong mga salita upang maibigay ko ang aking presentasyon.” Ano ang naging resulta sa unang araw ng kaniyang pagpapatotoo sa telepono? Siya ay nag-ulat: “Sinagot ni Jehova ang aking panalangin. Ang mga tao ay nakinig sa akin, at naisaayos ko ang isang pagdalaw-muli.” Nang maglaon ang kaniyang pagpapatotoo sa telepono ay nagbunga ng isang pag-aaral sa Bibliya. Siya’y nagtapos: “Muli akong tinuruan ni Jehova na magtiwala sa kaniya at hindi sa aking sarili.”​—Kaw. 3:5.

16 Ang paghaharap ng katotohanan sa pamamagitan ng telepono ay nagiging isang matagumpay na paraan ng pangangaral ng mabuting balita. Maghandang mabuti, at makibahagi nang buong puso. Huwag masiraan ng loob kung walang mabuting pagtugon sa ilang panimulang pagsisikap. Manalangin ukol sa patnubay ni Jehova, at makipag-usap sa iba na nangangaral sa ganitong kapana-panabik na paraan. Taglay ang pagnanais na walang sinuman ang malibanan sa ating teritoryo, tayo nawa’y maging lubusan sa pagsasagawa ng ating ministeryo nang may pagkaapurahan.​—Roma 10:​13, 14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share