Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/01 p. 3-4
  • Ipaalam ang Pangalan at mga Ginagawa ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipaalam ang Pangalan at mga Ginagawa ni Jehova
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • “Lubusang Ipangaral ang Salita ng Diyos”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • “Lubusang Magpatotoo sa Mabuting Balita”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Patuloy na Sabihin ang Tungkol sa mga Kamangha-manghang Gawa ni Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Ipahayag Nang Malawakan ang mga Kagalingan ni Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 2/01 p. 3-4

Ipaalam ang Pangalan at mga Ginagawa ni Jehova

1 “Magpasalamat kayo kay Jehova, tumawag kayo sa kaniyang pangalan, ipaalam ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga ginagawa. . . . Magsaya nawa ang puso ng mga humahanap kay Jehova.” (Awit 105:​1, 3) Ang salmista na sumulat ng mga salitang ito ay nakasumpong ng malaking personal na kagalakan sa pagsasabi sa iba ng tungkol kay Jehova at sa kaniyang “mga ginagawa.” Anong mga ginagawa? Walang pagsalang yaong may kinalaman sa maluwalhating paghahari ng Diyos at sa “mabuting balita ng kaniyang pagliligtas.”​—Awit 96:​2, 3; 145:​11, 12.

2 Habang tayo ay lumalapit sa panahon ng Memoryal sa 2001, marami tayong dahilan upang magalak hinggil sa mga ginagawa ni Jehova para sa atin. Sa paanong paraan? Walang alinlangan, ang Hapunan ng Panginoon ang siyang pinakadakilang pagdiriwang ng taon para sa lahat ng tunay na mga Kristiyano. Wala nang iba pang okasyong kagaya nito kung tungkol sa kahalagahan, layunin, o paraan ng pagsasagawa nito. Ito ay isang panahon para alalahanin nating lahat kung ano ang ginawa ni Jehova at ni Jesus upang makapaglaan ng paraan para sa ating ikaliligtas. Hindi kataka-taka na sa panahon ng Memoryal, natural lamang na asahan nating makita ang pagsulong ng gawain sa paglilingkod sa larangan, habang ating inihahayag ang ‘mabuting balita ng pagliligtas’!

3 Mag-o-Auxiliary Pioneer Ka Ba? Noong nakaraang Abril may 19,704 ang nagpatala bilang mga auxiliary pioneer. Noong Mayo, 13,775 ang nagpatala. Noong Marso ang bilang ay 6,125. Sa taóng ito, muli ba nating magagawa ang Marso, Abril, at Mayo bilang pantanging mga buwan para sa mas malaking gawain sa ministeryo? Ang Marso ay may limang Sabado, at ang Abril ay may limang Linggo. Sa pamamagitan ng pagpaplano para sa buong araw ng paglilingkod sa mga dulong sanlinggo, nasumpungan ng maraming mamamahayag na nagtatrabaho nang buong panahon na kaya nilang mag-auxiliary pioneer. Upang maabot ang kahilingang 50 oras sa isang buwan, kailangan ng isang auxiliary pioneer na magkaaberids ng humigit-kumulang sa 12 oras bawat linggo. Maingat na isaalang-alang ang mga mungkahing iskedyul sa kahong nasa pahina 4. Ang isa kaya sa mga ito ay aangkop sa iyong kalagayan? Kung hindi, marahil ay maiaangkop mo ang iyong sariling iskedyul upang makapag-auxiliary pioneer sa Marso, Abril, at Mayo.

4 Dapat na simulan na ngayon ng matatanda ang pagpapasigla at pagsuporta sa mas malaking gawain sa paglilingkod. Noong nakaraang taon sa isang kongregasyon kung saan ang lahat ng matanda at ministeryal na lingkod ay nagpatala bilang mga auxiliary pioneer, 64 sa 121 mamamahayag ang nagpayunir noong Abril! Ikinalugod din ng kongregasyon na makitang anim na di-bautisadong mamamahayag ang nagpasimulang mag-ulat noong Marso at Abril. Tunay, ito na ang pinakamabuting panahon para alamin ng mga bata at mga baguhan mula sa matatanda kung sila ay kuwalipikado na upang magpasimula sa pakikibahagi sa gawain ng pangmadlang pagpapatotoo.

5 Ang Ekstrang Pagsisikap ay Nagdudulot ng mga Pagpapala: Ang mga kongregasyon na nagtatakda ng mga pantanging tunguhin at nagsasagawa ng ekstrang pagsisikap ay nagtatamasa ng maraming pagpapala. Mabibigyan ng partikular na pagdiriin ng ilang kongregasyon ang pagsaklaw sa mga teritoryong bihirang gawin, pagtuunan ng pansin ang mapagpipiliang mga uri ng pagpapatotoo, o pagtatampok sa pagpapatotoo sa telepono​—isang mabisang paraan para masumpungan ang mga wala-sa-tahanan at mga naninirahan na mahirap marating.

6 Dapat bang makahadlang sa sinuman ang mahinang kalusugan o ang katandaan sa pakikibahagi hangga’t maaari sa paglilingkod? Hindi naman sa lahat ng kaso. Halimbawa, isang 86 na taóng gulang na sister na may kanser ang nag-auxiliary pioneer noong Abril sa kabila ng pamamaga ng kaniyang mga binti. Ang pagpapatotoo sa telepono ay nakatulong sa kaniya upang lubos na makabahagi sa paglilingkod, anupat napalaki ang kaniyang papuri kay Jehova. Ito ay nagkaroon ng nakapagpapasiglang epekto kapuwa sa kaniya at sa kongregasyon.

7 Maghandang Mabuti Para sa Memoryal: Sa taóng ito ang Memoryal ay papatak sa Abril 8. Yamang ito ay Linggo, posible na marami ang makadadalo. Maaaring magkaroon tayo ng pinakamalaking bilang ng magsisidalo higit kailanman kung gagawin natin ang ating bahagi sa pamamagitan ng (1) pagdalo natin mismo at (2) pag-aanyaya sa iba na sumama sa atin sa Memoryal. Sino ang dapat nating anyayahan?

8 Tingnan sa inyong personal na rekord ng paglilingkod sa larangan ang mga pangalan ng mga nagpakita ng kahit na kaunting interes sa katotohanan, kahit hindi ninyo dinadalaw ang mga ito nang regular. Dalawa o tatlong linggo bago ang Memoryal, magtuon ng pansin na madalaw ang lahat ng mga ito taglay ang paanyaya sa Memoryal. Kung ipinahihintulot ng inyong mga kalagayan, mag-alok ng transportasyon para sa mga nagnanais na dumalo.

9 Sa ilang kongregasyon, hindi lahat ng nakaimprentang paanyaya sa Memoryal ay nagamit. Dapat tiyakin ng mga kalihim ng kongregasyon na makukuha ang mga paanyaya nang may sapat na panahon upang maipamahagi ang lahat ng ito. Nanaisin ninyong makinilyahin o masinop na isulat ang oras at lugar ng Memoryal sa ibaba ng paanyaya. O mailalakip ninyo ang isang handbill na nagpapakita sa direksiyon ng Kingdom Hall kung doon gaganapin ang inyong Memoryal. Bilang paalaala, sa maraming kaso ang mga paanyaya sa Memoryal ay dapat na iabot nang personal sa maybahay.

10 Alalahanin ang mga Di-Aktibo: Isang sanhi ng kagalakan kapag ang isang estudyante ng Bibliya ay nag-alay ng kaniyang sarili kay Jehova at sinagisagan iyon sa pamamagitan ng bautismo sa tubig. Gayunman, bawat taon, ang ilan sa gitna natin ay tumitigil sa pakikisama sa atin, at sila’y humihinto sa pagsasabi sa iba ng tungkol sa pangalan at mga ginagawa ni Jehova. Mayroon tayong mabuting dahilan upang mabahala. Bagaman ang katotohanan ay hindi iniiwan ng karamihan sa mga di-aktibo, maaaring tumitigil sila sa pangangaral dahilan sa pagkasira ng loob, personal na mga suliranin, o iba pang mga kabalisahan sa buhay. (Mat. 13:​20-22) Yaong mahihina ang espirituwalidad ay nangangailangan ng tulong upang makabalik sa kongregasyon bago sila masila ng sistema ni Satanas. (1 Ped. 5:8) Nanaisin nating gumawa ng isang pantanging pagsisikap sa panahong ito ng Memoryal upang tulungan ang lahat ng kuwalipikadong di-aktibo na sumamang muli sa pangangaral ng mabuting balita.

11 Dapat na ipagbigay-alam ng kalihim ng kongregasyon sa mga konduktor ng pag-aaral sa aklat ang sinumang di-aktibo sa kanilang grupo. Pangungunahan ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ang paggawa ng kaayusan para sa mga pagpapastol sa lahat ng mga di-aktibo. Kapag natiyak na makikinabang ang indibiduwal mula sa isang personal na pag-aaral sa Bibliya, dapat pagpasiyahan ng komite sa paglilingkod kung sino ang pinakamabuting makapagdaraos ng pag-aaral. Bagaman ang pag-aaral ay hindi kakailanganing gawin sa loob ng mahabang yugto ng panahon, ang isa na inatasan upang magdaos nito ay maaaring mag-ulat ng oras, mga pagdalaw-muli, at pag-aaral sa Bibliya.

12 Noong nakaraang Abril, isang sister na nagbabahay-bahay ang nag-alok ng mga magasin sa isang kabataang lalaki sa lansangan. Kaniyang isiniwalat na ang kaniyang asawa ay isang di-aktibong Saksi. Itinanong niya kung saan ang Kingdom Hall at inanyayahan ang sister na dumalaw sa kanilang mag-asawa. Bilang resulta, ang mag-asawa ay dumalo sa sumunod na pulong at sumang-ayon sa isang pag-aaral sa Bibliya.

13 Maging Handa Para sa mas Malaking Gawain! Ang salmista na nagpahayag na dapat nating ipabatid ang pangalan at mga ginagawa ni Jehova ay nagsabi pa: “Umawit kayo sa kaniya, umawit kayo sa kaniya ng papuri, pagtuunan ninyo ng pansin ang lahat ng kaniyang mga kamangha-manghang gawa. Ipaghambog ninyo ang kaniyang banal na pangalan.” (Awit 105:​2, 3) Ipakita nawa natin ang ating pagmamalasakit para sa dakilang pangalan ni Jehova at sa kaniyang “mga kamangha-manghang gawa” sa pamamagitan ng ating higit na pagsisikap sa ministeryo, anupat ginagawa itong pinakadakilang panahon ng Memoryal ng higit kailanman!

[Kahon sa pahina 4]

Iba’t Ibang Paraan ng Pag-iiskedyul ng 12 Oras Bawat Linggo Upang Makapag-Auxiliary Pioneer

Araw Oras

Lunes 1 2 − −

Martes 1 − 3 −

Miyerkules 1 2 − 5

Huwebes 1 − 3 −

Biyernes 1 2 − −

Sabado 5 4 3 5

Linggo 2 2 3 2

Kabuuan: 12 12 12 12

Ang isa ba sa mga iskedyul na ito ay aangkop sa iyo? Kung hindi, bakit hindi gumawa ng iyong sariling iskedyul?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share