Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/12 p. 4-6
  • Tulong Para sa Pagpapatotoo sa Telepono

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulong Para sa Pagpapatotoo sa Telepono
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Subukan ang Pagpapatotoo sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Matagumpay na Pagpapatotoo sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Ang Pagwasak sa Sodoma at Gomorra
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Makahimalang Nagpagaling si Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
km 4/12 p. 4-6

Tulong Para sa Pagpapatotoo sa Telepono

Bagaman pangunahin sa atin ang pangangaral sa bahay-bahay para mapalaganap ang mabuting balita, mabisang paraan din ang pagpapatotoo sa telepono sa teritoryong nakaatas sa kongregasyon, lalo na sa mga lugar na maraming bahay, kung saan hindi tayo pinapapasok.—Luc. 10:5-7; Gawa 5:42; 20:20.

Ang paraang ito ng ating ministeryo ay nakapagpapatibay sa mga kapatid na nalilimitahan ang pagkilos at kadalasang nasa bahay lang. Matutuwa ang mga mamamahayag na magpalitan ng pampatibay-loob kapag nakikibahagi sila sa paraang ito ng pagpapatotoo kasama ng tapat na mga kapatid. (Roma 1:11, 12) Kapag masama naman ang panahon, ang mga mamamahayag ay maaaring magpatotoo sa telepono. Karaniwan na, dapat panatilihing maliit ang grupo para walang masayang na panahon.

May work sheet sa pahina 5-6 na makatutulong sa pagpapatotoo sa telepono. May mga puwang din para sa karagdagang mga presentasyon na mabisa sa inyong teritoryo o mas sanay kang gamitin. Puwede mong ipa-photocopy ang work sheet at doon ka sumulat sa halip na sa orihinal na kopya. Makatutulong kung mauupo ka at ilalagay ang work sheet sa mesa.

Ano pa ang kakailanganin mo kapag nagpapatotoo sa telepono? Repasuhin ang listahang ito habang naghahanda ka.

◼ Bibliya

◼ Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan

◼ Good News for People of All Nations

◼ Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

◼ Mga bagong magasin at Ating Ministeryo sa Kaharian

◼ Iba’t ibang tract at brosyur

◼ Handbill

◼ House-to-house record at panulat

INGATAN

WORK SHEET SA PAGPAPATOTOO SA TELEPONO

TANDAAN ANG MGA PUNTONG ITO:

◼ Maging relaks, magalang, matiyaga, at palakaibigan.

◼ Magsalita nang marahan at may sapat na lakas.

◼ Ngumiti at kumumpas na parang nakikita ka ng kausap mo.

◼ Iwasan ang di-kinakailangang paghinto.

◼ Hayaang magsalita rin ang may-bahay, at pasalamatan ang kaniyang mga sinabi.

◼ Kapag tinatanong ka, ulitin ito nang malakas para mahanap ng kasama mo ang sagot sa Bibliya, aklat na Nangangatuwiran, o iba pang publikasyon. (Mas makabubuting huwag gumamit ng speakerphone.)

◼ Huwag banggitin ang kaayusan sa donasyon, baka isipin nilang humihingi ka ng donasyon. Sa angkop na panahon kapag kaharap mo na ang may-bahay, maaari mong sabihin sa kaniya na ang ating gawain ay suportado ng boluntaryong mga donasyon.

MGA INTRODUKSYON

◼ “Hello. Ako po si . . . Tumawag po ako kasi hindi ako makapunta sa inyo nang personal. Kabaranggay po ninyo ako. [Maaari mong banggitin ang pangalan ng inyong kalye o lugar.] Gusto ko po sanang malaman ang inyong opinyon tungkol sa . . . ”

◼ “Hello. Ako po si . . . Tumutulong po ako sa mga tao sa lugar natin may kinalaman sa mga tanong nila tungkol sa Bibliya. Naisip na ba ninyo . . . ?”

◼ “Hello. Ako po si . . . Hindi po ako nagbebenta; dito lang ako nakatira sa . . . Street. Marami sa ating lugar ang nababahala tungkol sa . . . ” [Banggitin ang pinakahuling balita sa inyong lugar.]

◼ [Isulat ang naiisip mong presentasyon.]

[Ipagpatuloy ang iyong presentasyon. Maaari kang magbasa ng isang mungkahi mula sa aklat na Nangangatuwiran, Ating Ministeryo sa Kaharian, o maghanda ng sarili mong presentasyon.]

◼ [Isulat ang naiisip mong presentasyon.]

Para makapag-alok ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagtawag:

◼ “Hello. Ako po si . . . Dito lang ako nakatira sa . . . Street. Tumawag ako dahil nagsasagawa po ako ng libreng pag-aaral sa Bibliya at may bakante pa ako sa aking iskedyul. Ito ang ilang paksa na tatalakayin mula sa inyong Bibliya. [Basahin ang dalawa o tatlong titulo ng mga kabanata mula sa aklat na Itinuturo ng Bibliya.] Alin sa mga iyon ang gusto ninyong pag-usapan natin? [Hayaang sumagot.] Ang binasa ko sa inyo ay titulo ng mga kabanata mula sa aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Matutuwa po akong dumalaw sa inyo at dalhan kayo ng isang kopya nito. Wala po itong bayad.”

Kapag tumanggi ang may-bahay, maaari mong sabihin:

◼ “Tatawag na lang ako uli sa inyo para pag-usapan natin sandali kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa paksang gusto ninyong pag-usapan. Lagi ba kayong nasa bahay sa ganitong oras?”

◼ [Isulat ang naiisip mong presentasyon.]

Kapag sinabi ng may-bahay . . .

“ANO ANG RELIHIYON MO?”

◼ “Isa po akong Saksi ni Jehova,” at ipagpatuloy ang iyong presentasyon.

“PAANO MO NALAMAN ANG NUMERO KO?”

◼ “Sa directory po,” at ipagpatuloy ang iyong presentasyon.

“NASA DO-NOT-CALL LIST ANG PANGALAN KO.”

◼ “Wala po naman akong ibinebenta, kaya wala po ako ng listahang iyon,” at ipagpatuloy ang iyong presentasyon.

Kapag hiniling ng may-bahay na huwag na siyang tawagan pa ng mga Saksi ni Jehova . . .

◼ “Isusulat ko po iyan, at sisikapin po naming igalang ang inyong kahilingan,” at huwag nang ituloy ang presentasyon. [Isulat sa papel ang petsa at pangalan ng tao at ipasok ito sa sobre ng teritoryo.]

Kapag answering machine ang sumagot . . .

◼ “Sorry po at hindi ko kayo naabutan sa inyong bahay. Ako po si . . . Tumawag po ako para anyayahan kayo sa isang pahayag na salig sa Bibliya tungkol sa paksang ․․․․․.

[Araw at oras:] ․․․․․.

[Adres:] ․․․․․.

Walang kinokolektang kontribusyon doon.”

◼ “Ako po si . . . Tumawag po ako upang tulungan ang mga tao na mahanap ang sagot sa mga tanong nila tungkol sa Bibliya. Tatawag po ako uli.”

◼ [Isulat ang naiisip mong presentasyon.]

MGA KONKLUSYON:

◼ “Mayroon po akong gustong ibahagi sa inyo na babasahíng nagbibigay ng higit na impormasyon tungkol sa paksang iyan. Matutuwa po akong dumalaw upang dalhin ito sa inyo. Wala po itong bayad.”

◼ “Nasiyahan po ako sa pag-uusap natin. Maaari po ba akong dumalaw sa inyong bahay (kasama ng aking asawa) para pag-usapan pa natin ang paksang ito? Puwede po nating pag-usapan ang sagot sa tanong na: ․․․․․.”

◼ “Nasiyahan po ako sa pag-uusap natin. Sa susunod po na pagtawag ko, gusto kong ipaliwanag ang sagot ng Bibliya sa tanong na: ․․․․․. OK lang po ba sa inyo kung ganitong oras din ako tatawag?”

◼ [Isulat ang naiisip mong presentasyon.]

Kapag atubili ang kausap mo na papuntahin ka sa kanila, maaari mong sabihin:

◼ “Kung gusto po ninyo, ipadadala ko na lang ang babasahín sa inyo.”

◼ “Tatawag na lang po ako uli sa inyo upang ipagpatuloy ang pag-uusap natin. Lagi ba kayong nasa bahay sa ganitong oras?”

◼ “Nasiyahan po ako sa pag-uusap natin. Nais ko po kayong anyayahan sa isang pahayag na salig sa Bibliya tungkol sa paksang ․․․․․.

[Araw at oras:] ․․․․․.

[Adres:] ․․․․․.

Walang kinokolektang kontribusyon doon.”

◼ [Isulat ang naiisip mong presentasyon.]

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share