Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/09 p. 2
  • Subukan ang Pagpapatotoo sa Telepono

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Subukan ang Pagpapatotoo sa Telepono
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Matagumpay na Pagpapatotoo sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Mga Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Tulong Para sa Pagpapatotoo sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Pintuan at sa Telepono
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
km 10/09 p. 2

Subukan ang Pagpapatotoo sa Telepono

1. Bakit magandang subukan ang pagpapatotoo sa telepono?

1 Bakit magandang subukan ang pagpapatotoo sa telepono? Dahil isang paraan din ito para matulungan ang iba na magkaroon ng tumpak na kaalaman at maligtas. (2 Ped. 3:9) Bagaman ang pangunahing paraan natin ng pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos ay pagbabahay-bahay, gusto rin nating sumubok ng iba pang paraan upang makausap ang mga taong hindi natin naaabutan sa bahay.—Mat. 24:14; Luc. 10:1-7; Apoc. 14:6.

2. Paano ginagawa ang pagpapatotoo sa telepono?

2 Paano Ito Ginagawa? Tulad sa pagbabahay-bahay, mayroon ding teritoryo para sa pagpapatotoo sa telepono. Maaari itong gawin nang mag-isa o ng isang maliit na grupo ng mga dalawa o tatlong mamamahayag. Dapat itong gawin sa isang tahimik na lugar. Gaya ng ginagawa ng marami, makabubuting ilagay sa mesa sa harapan mo ang mga publikasyong ginagamit sa pagbabahay-bahay.

3. Anu-ano ang dapat nating tandaan kapag nagpapatotoo sa telepono?

3 Paano ba Magpapatotoo sa Telepono? Kapag nagpapatotoo sa telepono, dapat na maging palakaibigan tayo. Binabasa ng ilan na bago pa lang gumagawa nito ang kanilang presentasyon, pero sa paraang nakikipag-usap. Makakatulong ang mga pambungad sa aklat na Nangangatuwiran, Ating Ministeryo sa Kaharian, at sa tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? Kapag naghahanda ng sarili mong presentasyon, bumuo ng isang paksa, mag-isip ng tanong, at maghanda ng teksto. Karaniwan na, maiaalok mo rin ang mga publikasyong iniaalok natin sa bahay-bahay. Tandaan: Relaks ka lang at magsalita nang marahan. Maging magalang, matiyaga, at palakaibigan para mapalagay ang kausap mo. Pakinggang mabuti ang sinasabi ng kausap mo, at pasalamatan siya sa kaniyang komento. Huwag babanggit ng tungkol sa donasyon dahil baka isipin nilang nangingilak ka.

4. Bakit puwedeng maging epektibo sa ating teritoryo ang pagpapatotoo sa telepono?

4 Sa telepono, baka makausap mo ang isang may sakit o may kapansanan, o hindi natitiyempuhan sa bahay-bahay dahil sa iskedyul niya sa trabaho. Ang iba naman ay nakatira sa mga subdibisyon o apartment na hindi nagpapapasok. Kaya para lubusan nating magampanan ang ating ministeryo, bakit hindi subukan ang mabisang paraan ng pagpapatotoo sa telepono?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share