Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapatotoo sa Lugar ng Negosyo
Kung Bakit Mahalaga: Dahil marami ang nagtatrabaho nang mahabang oras, karaniwan nang naipaaabot lang sa kanila ang mensahe ng Kaharian kapag nagpapatotoo tayo sa kanila sa lugar ng kanilang trabaho. Masaya at mabunga ang pagpapatotoo sa lugar ng negosyo dahil palaging may nakakausap doon at posibleng magagalang ang nagtatrabaho yamang iniisip nilang kostumer ang mga lumalapit. Para maging epektibo, dapat na mataktika at kagalang-galang sa pananamit at pag-aayos ang mga mamamahayag. (2 Cor. 6:3) Kung gayon, dapat maingat na masubaybayan ng tagapangasiwa sa paglilingkod kung gaano kadalas ginagawa at kung sino ang mga gumagawa sa mga teritoryong ito.
Subukan Ito Ngayong Buwan:
Sa susunod ninyong Pampamilyang Pagsamba, praktisin ang isang maikling presentasyon na puwede ninyong gamitin kapag gumagawa kayo sa lugar ng negosyo.