Iskedyul Para sa Linggo ng Setyembre 21
LINGGO NG SETYEMBRE 21
Awit 53 at Panalangin
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
cl kab. 30 ¶19-23, kahon sa p. 309 (30 min.)
Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: 2 Hari 19-22 (8 min.)
Blg.1: 2 Hari 20:12-21 (3 min. o mas maikli)
Blg. 2: Ehud (Blg. 2)—Tema: Inililigtas ni Jehova ang Kaniyang Bayan—it-1 p. 665-666 (5 min.)
Blg. 3: Ano ang Ibig Sabihin ng Salitang “Amen”?—Glossary, nwt-E p. 1692 (5 min.)
Pulong sa Paglilingkod:
Tema: “Lubusang magpatotoo sa mabuting balita.”—Gawa 20:24.
10 min: Ano ang Nagawa Natin Noong Nakaraang Taon ng Paglilingkod? Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang nagawa ng kongregasyon sa nakalipas na taon. Magpokus sa magagandang nagawa, at magbigay ng komendasyon. Bumanggit ng isa o dalawang aspekto ng ministeryo na mapapasulong pa ng kongregasyon sa susunod na taon, at magbigay ng praktikal na mga mungkahi.
10 min: Nagdudulot ng Magagandang Resulta ang Lubusang Pagpapatotoo. Pagtalakay batay sa 2015 Taunang Aklat, pahina 54, parapo 1; pahina 56, parapo 2, hanggang pahina 57, parapo 1; at pahina 63, parapo 2-4. Pagkatapos talakayin ang bawat karanasan, tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang natutuhan nila.
10 min: “Tularan ang Kanilang Pananampalataya.” Tanong-sagot.
Awit 81 at Panalangin