KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GAWA 1-3
Ibinuhos ang Banal na Espiritu sa Kongregasyong Kristiyano
Maraming Judio na nasa Jerusalem noong Pentecostes 33 C.E. ang nagmula sa ibang mga bansa. (Gaw 2:9-11) Kahit sumusunod sila sa Kautusang Mosaiko, baka buong-buhay silang nanirahan sa isang banyagang lupain. (Jer 44:1) Kaya kahit mga Judio sila, parang dayuhan ang kanilang hitsura at pagsasalita. Nang mabautismuhan ang 3,000 sa mga ito, lalong nadagdagan ng iba’t ibang lahi ang kongregasyong Kristiyano. Pero kahit magkakaiba ang pinagmulan nila, “lagi silang naroroon sa templo na may pagkakaisa.”—Gaw 2:46.
Paano ka makapagpapakita ng tunay na interes sa . . .
mga dayuhan sa inyong teritoryo?
mga kapatid sa inyong kongregasyon na galing sa ibang lupain?