KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HEBREO 12-13
Disiplina—Katunayan ng Pag-ibig ni Jehova
Ang disiplina ay tumutukoy sa parusa, pagtutuwid, tagubilin, at pagtuturo. Kung paanong dinidisiplina ng maibiging ama ang kaniyang mga anak, dinidisiplina rin tayo ni Jehova. Nadidisiplina tayo sa pamamagitan ng . . .
Pagbabasa ng Bibliya, personal na pag-aaral, pagdalo sa pulong, at pagbubulay-bulay
Payo at pagtutuwid ng isang kapananampalataya
Resulta ng ating pagkakamali
Hudisyal na pagsaway o pagtitiwalag
Pagsubok o pag-uusig na ipinapahintulot ni Jehova.—w15 9/15 21 ¶13;it-1 600