PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ang Pagsuporta sa Disiplina ni Jehova ay Pagpapakita ng Pag-ibig
Pinoprotektahan ng kaayusan sa pagtitiwalag ang kongregasyon at dinidisiplina ang di-nagsisising nagkasala. (1Co 5:6, 11) Kapag sinusuportahan natin ang disiplina ni Jehova, nagpapakita tayo ng pag-ibig. Paano nangyari iyan kung ang pagtitiwalag ay napakasakit para sa lahat ng nasasangkot, kasama na ang malalapít na kamag-anak at hudisyal na komite?
Dahil kapag pinapahalagahan natin ang reputasyon ni Jehova at ang pamantayan niya tungkol sa kabanalan, naipapakita natin na mahal natin siya. (1Pe 1:14-16) Pagpapakita din ito ng pag-ibig sa natiwalag. Kahit na masakit ang matinding disiplina, “nagbubunga ito ng kapayapaan at katuwiran.” (Heb 12:5, 6, 11) Kinokontra natin ang disiplina ni Jehova kung nakikipag-ugnayan tayo sa mga tiwalag o kusang humiwalay. Tandaan na dinidisiplina ni Jehova ang mga lingkod niya “sa tamang antas.” (Jer 30:11) Habang sinusuportahan natin ang disiplina ni Jehova at pinapanatiling matibay ang kaugnayan sa kaniya, patuloy tayong umaasa na manunumbalik ang nadisiplina sa ating maawaing Ama.—Isa 1:16-18; 55:7.
PANOORIN ANG VIDEO NA MANATILING TAPAT TAGLAY ANG PINAGKAISANG PUSO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Gaano kasakit para sa Kristiyanong mga magulang kapag iniwan ng kanilang anak si Jehova?
Paano matutulungan ng kongregasyon ang tapat na mga kapamilya ng tiwalag?
Anong ulat sa Bibliya ang nagpapakitang dapat na mas mahalaga sa atin ang katapatan kay Jehova kaysa sa katapatan sa pamilya?
Paano natin maipapakita na mas mahalaga sa atin ang katapatan kay Jehova kaysa sa katapatan sa pamilya?